Hello world😊

LMP EDD: Dec. 1, 2020 UTZ EDD: Dec. 15, 2020 DOB: Dec. 1, 2020 Via Normal Delivery 2.5 kg 2:30am Name: Felix Azrael Gender: Male #2ndtimemom #theasianparentph #longpost I am a silent reader here at isa sa mga momsh na naiinip ng mahintay na makalabas si baby. Worried din ako kasi masyadong magkalayo ang EDD ko via LMP at UTZ. Pero because of this app, daming nakakainspire na experiences and sharings na magpapalakas sa loob mo. This time sana makainspire din ako by sharing my labor experience. Momsh din ako na ginawa na ang lahat para magkaroon ng sign of labor. Squating, walking, drink pineapple juice, akyat baba sa hagdan, kausapin c baby at most especially pray ng pray. Pressured pa dahil lahat ng kakilala kong buntis, mga nanganak na at karamihan ay CS. Nov. 30 - Pag gising ko hoping ako na manganak na since kinabukasan LMP EDD ko na. Iniisip ko baka maoverdue na ko. Pero since no signs of labor ako, nag assist na lang muna ako sa asawa ko habang naglalaba sya. 12pm nagulat ako dahil may brown discharge na pero walang kahit na anong pain or other signs pa. We decided to go to the clinic since bukas naman ay follow up check up ko, iadvance na lang. Dinala na din namin lahat ng gamit para in case of emergency, wala ng problem. Sabi ni midwife, 2cm pa lang daw. Pero nag inject na sya ng buscopan then uwi muna kami para obserbahan ang sakit ng tyan ko. 8pm may konting pain na pero tolerable pa naman. Then binantayan ko na yung time interval ng pananakit. 11pm 5-7 mins interval ang pain, so sabi ko sa asawa ko punta na ulit kmi clinic. Ganun ulit, dala ang gamit pero idinaan muna namin ang 1st baby ko sa house ng ate ko. Pagdating sa clinic, 5cm pa lang daw kaya pinauwi ulit ako para daw makatulog pa ko at may energy pra manganak. Pero pag uwi namin, hindi na pala ako makakatulog sa sakit ng tyan ko. Pero tiniis ko sabi ko dapat pagbalik namin sa clinic, manganak na ko. Nakakapagod magpabalik balik. So sa bahay, nagsquating ako, akyat baba sa hagdan, lakad lakad hanggang sabi ko sa asawa ko hindi ko na kaya ang sakit, napapakapit na ko sa bakal ng hagdan sa sakit, tsaka parang kusa ng umiire. 2am balik na ulit kami sa clinic, sa byahe pa lang jusme, d ko na alam ung nararamdaman ko sa sobrang sakit. Napapasigaw na ko ng "Lord", d ko na alam gagawin kong upo o hawak habang nasa byahe. Pagdating sa clinic sabi ko talaga sa midwife, eto na to. Di ko na kaya kung papauwiin pa kami. Ayun, 9cm na daw at talsik ang panubigan ko pagkaIE sakin. Diretso na kaming delivery room. Namimilipit ako sa sakit, feeling ko ang ingay ingay ko na kung ano ano na nasasabi. Basta bilin ng midwife, pagsumasakit na iire lang ng walang sounds. Jusme, ang dami ko ng ire, mga lagpas 10 na yata. Pagod na pagod na ko sa byahe pa lng ng pabalik balik, di pa ko makahinga ng maayos sa face mask at face shield pero sabi ko kaya ko pa. Titiisin ko lahat ng pagod at sakit para makita na namin si baby. 2:30am baby boy is out! MapapaThank you Lord ka talaga! Worth the pain, pagod, tahi. Lupaypay ang beauty ko pero parang nabunutan na ng tinik. Salamat sa mga midwives na tumulong sakin, need lang talaga ng tiwala sa knila, sa sarili mo at syempre tiwala kay Lord. Prayers talaga ay ang best weapon natin lalo na pag madaming nagdarasal para satin. Thank you sa app na to. Everyday talaga madami ako natututunan. Nakakalakas din ng loob kapag may nababasa kang same situation ng mga nararanasan mo. Dami ko din questions na nasagot ng mga generous momsh dito by reading silently ng mga posts. Sa mga waiting dyan, tulungan nyo sarili nyo. Kaya natin to para sa ating mga anak. Pray, pray at pray! Kung kaya nyong maghingi ng prayers from your family and friends, wag kayo mahiya. Big help talaga yun para mas lalong marinig ni Lord ang prayers. Good luck and God bless.

Trending na Tanong