Ezekiel Xianxi M. Lugtu

LMP : MAY 28 ULTRASOUND : JUNE 3 DATE OF BIRTH : JUNE 7, 2021, 7:15 AM TYPE OF BIRTH : NORMAL SPONTANEOUS BIRTH Thank you God, tiniis ko lahat ng contractions kasama ang hubby ko, nagsimula ng 7 pm June 6, nagpasugod ako sa Provincial Hospital, 1 am. Sobrang hirap manganak sa government hospital n to, kasi dinala ako sa isolation delivery room, kung saan binabarat ng mga nurse at doctor doon ang ibang mga nag lalabor na kasama ko. Kami po ng mga kasama ko pagkatapos manganak ay nahirapan dahil walang nagdadala sa amin ng pagkain o tubig man lng pagkatapos manganak at bawal raw ang kunin ang gamit mula sa bantay sa labas... pagkatapos ko po manganak, ay kumuba na po katawan ko, hindi po pwede kumain habang nag lalabor kaya gutom na gutom ako at uhaw, nilakad ko pa po ng walang tsinelas (kasi pinaiwan nila sa labas ng isolation) at naglakad pa ako sa nurse station buhat buhat swero ko para lang makahingi ng pagkain. Hindi rin po kami makapag palit ng damit o ng diaper kasi walang nag aassist, bawal ang bantay at walang sabitan ng swero sa cr, bawal rin ipapasok ang mga gamit namin, so oo, lumabas po ako ng isolated ward ng duguan ang suot ko kasi kakatapos palang po manganak. Wala po akong kain, tulog, inom, me and my baby after ko manganak, naki share pa kami sa kwarto ng nag covid positive, ang nakakatakot lang po kasi ganito po yung pamamalakad nila... nanghihina na po ang buong katawan ko at wala pong pampalit ng damit man lang, sa kadahilanan po nila na wala kaming swab test result. Eto po ay based on my experiences, pero ang lumabas sa result ay negative kami pero pina stay sa kwarto kasama ang nag covid positive... pagkatapos pa nun, pinalipat kami ng ward kasama ang mga PUI dahil na expose raw sa covid positive patients (o diba...) sa kwarto po na yun 15 kami, maliit lang ang kwarto, kasi pwede na ang may bantay ang pasyente... pero pinagsama sama nila lahat kami sa kwarto na walang electric fan, nagpabili pa po kami sa labas, dito lang rin po ako nakapag palit ng diaper at damit dahil may taga hawak na ng swero ko. 2 days pa po kami nag stay sa kwartong to, at pinalipat doon sa ward na may aircon yung mga nag covid positive, ang malupit pa nito, kami po yung naka quarantine ng 24 hours sa hospital, mainit, kawawa po ang mga sanggol dahil iyak ng iyak. Samantalang ang mga nag covid positive po ay pinagsama sama sa ward na may aircon at pina home quarantine while kami hindi pa pinapaalis. Sa kabila po ng mga yun naka uwi rin kami after 2 days ng puyat at sa wakas. Sa kabila ng lahat ng sakit, pang hihina, gutom, pawis, pagod, puyat, dugo at pagtyatyaga ng mga bantay ko sa labas ng hospital ay nakalabas rin po kami at nakauwi. Eto po siya ngayun, nakangiti sa tulog niya. Welcome to the world, EZEKIEL XIANXI M. LUGTU ❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles