Dermoid Cyst sa Bata, Dapat ko bang ipag-alala?
Ligtas akong nakapanganak nang normal sa anak kong lalaki noong Disyembre 10, 2020. Kasagsagan pa noon ng COVID-19 pandemic, pero ligtas ko siyang nailuwal sa isang lying in clinic sa aming probinsya. Subalit, ako ay isang front liner at may responsibilidad ako sa aking trabaho kaya't obligado na akong pumasok...at sa pagpasok at pag-uwi ko tuwing magko-commute ay nag positibo ako sa COVID tatlong buwan pakatapos kong manganak. Sumailalim kami sa quarantine at dahil nga sa ipinapatupad na IATF Guidelines ng probinsya noon ay pinaghiwa-hiwalay kaming buong mag-anak sa magkakaibang quarantine facility. Sobra akong na-stress at muntik na akong ma-depress dahil sa sakit ng loob ko. Ito din ang unang pagkakataon na nawalay ako sa anak ko. Labing limang araw ako sa quarantine facility. Ang aking biyenang babae na siyang nag-aalaga sa anak ko habang ako'y nasa trabaho ay nahawaan ko din kaya't maging siya ay nag positibo din sa RTPCR at Swab test. Nang natapos na ang aming quarantine ay bumalik na ako sa trabaho, pero hindi ko napansin na nakakadapa na pala si baby. At dahil sa sobrang pagod, stressed sa pagko-commute, hindi ko siya nabantayang maigi. Isang gabi, habang tulog na kami ay nahulog siya sa higaan. Nakadapa na siya ng marinig ko ang pagkalabog sanhi ng kanyang pagkakahulog. Dinala ko siya sa ospital, ngunit pinauwi din kami agad dahil hindi daw kami pwede doon sa ospital dahil madaming covid patients. Nagkaroon siya ng pasa sa mukha pero inisip ko baka mawawala rin yun. Lumipas ang isang buwan pabalik-balik ang pasa sa kanyang mukha dahil madalas maumpog. Nag uumpisa na kasi siyang mag explore. Akala ko wala lang, pero meron na pala siyang bukol sa mukha. Hindi lang halata pero nasa loob, sa kalaliman ng pisngi. Agad ko namang ikinonsulta sa espesyalista. Lubhang nakakabahala nang malaman kong meron na siyang cyst. Ang sabi naman nung isang pedia, hemangioma---meron palang ganitong kondisyon ang anak ko, at wala akong magawa noong una kundi ang umiyak at umiyak habang iniisip kung ano na ang mangyayari sa kanya. #firstbaby #firsttimemom