PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY?

#LectureNiMaam Topic: PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY? Oh eto, ayaw ko na ng formal na post about dito para mas maintindihan ng mga maamshies natin. ? ? Pagkapanganak mo, MAGPADEDE KA LANG NG MAGPADEDE. Ayun yung tinatawag natin ngayon na UNLILATCH. From the word, UNLI, alam mo na siguro yun. Applicable din yun sa breastfeeding, hindi lang sa kanin sa Mang Inasal. ? Yung ibang OB-Gyne, nagrereseta na ng mga lactation supplements kahit hindi pa nanganganak ang nanay. Just to make sure daw na may lalabas na milk after maipanganak si baby. PERO, ang talagang magpapalabas at magpaparami ng gatas mo ay ang SKIN-TO-SKIN at UNLILATCH. Kaya uulitin ko, magpadede ka lang ng magpadede. ? HINDI TOTOO na wala kang gatas pagkapanganak mo dahil lang sa wala kang nakikitang tumutulong gatas. Colostrum is superlagkit at hindi mo siya makikitang tutulo. Mga 2-3 days pa bago lumabas ang matured milk. OK? Karamihan kasi sa mga nakakausap ko, ang sinabi nila is 'wala silang gatas' kaya nabigyan nila ng formula si baby. Pero meron ka talagang gatas. Kahit isang patak lang ang lumabas sa boobs mo, that means MERON pa rin. Magkaiba ang kahulugan ng KAUNTI sa WALA. ? Uminom ka ng maraming tubig. Kumain ng masusustansiyang pagkain at maraming kanin ? Kumain ka ng papaya, malunggay, masasabaw na pagkain. Huwag ka munang magdiet at maconscious sa figure mo. Unahin muna ang anak. Ok? ? After 6 weeks, you can start pumping. Pero kung working mom ka and needs to build a milk stash, you can start pumping earlier. Pump every 4 hours, round the clock. Saan ka man mapunta, pump pa rin. NO EXCUSES. Gusto mo ng maraming gatas, aba e, tiyagain mo. Maraming nanay ang todo effort sa pagpapump at naging successful naman. Kaya ikaw, go na! Kaya mo rin yun! ??? ? Pwede kang magtake ng mga lactation aids and supplements. Hanapin mo yung mahihiyang ka at makikita mong effective sa iyo. Magastos, oo. Pero para sa anak mo naman iyon diba? Kaya mo ngang magparebond at magpakulay ng buhok e. ? MANAGE STRESS. Yes, I used the term manage because we CANNOT AVOID STRESS. Nandyan na yan e. It's up to you kung paano mo gagawan ng paraan. Too much stress, tiredness, and not enough sleep may affect your supply. Kaya girl, hinay-hinay lang tayo. Kapag pagod, MAGPAHINGA. Promise, malaki ang tulong ng malusog na isip at pangangatawan sa supply natin. Follow me on Facebook: Padede Ma'am PH #Breastfeeding #BreastfeedingJourney #PadedeMaamPH

PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY?
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Very well said. Gusto ko yung wag maconscious sa figure. 👍nakakapayat ang breastfeeding mga mumsh kaya hindi applicable satin ang diet, hindi mo namalayan kakadiet mo butot balat ka na pala. Nees ng nutrition ni baby kaya kain lang ng mga healthy food and drinks. And REST daw, kahit supermom tayo eh napapagod din naman, malaking bagay ang pahinga kasi kung pipilitin pa kahit hindi mo na kaya, masstress ka talaga nyan. Follow this mga mumsh!

Magbasa pa
VIP Member

di na nga po nten kailangang mag work out kc supermom tayo, kaya nten mag alaga while nag lilinis... exercise na ang pag takbo, at pag galaw ng katawan... pagpawisan at mag isip... tama po ba mga mommies? #supermom

Magbasa pa
VIP Member

eat ka mga green gulay at may gata..try mo din luto ng buko with data...lagyan m nalang ng meat or fish..drink more water

Share din po kyo ng mga bawal sa mga nag papa breastfeeding 😅

Thankyou sa nag share nito laking tulong ❤

Informative. 👌 Thank you po.

Thanks momsh.. SA information.

VIP Member

👍🏻👍🏻

Thanks sa info

VIP Member

☺️☺️