Tatay ni Baby
LDR kami ng tatay ni baby. Di kami kasal kaya di muna kami nagsama sa iisang bahay. Minsan dadalaw siya dito sa amin or kami ni baby ang mag stay sa bahay nila. After kong manganak, di ko na siya feel kasama sa bahay. Ayoko na siyang nandito sa bahay namin kasi nai-stress ako. Pagod na ako pag aalaga ng baby, dumadagdag pa siya. Kung saan-saan niya iniiwan yung pinagbihisan niya. Di nagbubuhos ng ihi. Ni pinagkainan niya di mahugasan. Pihikan pa sa ulam! Yung ginamit niyang tissue at wipes iiipit lang sa crib ng anak niya. Napaka tamad. Nagpapasalamat nalang ako kasi di kami kasal. May trabaho akong babalikan after ng maternity leave ko at di ko kailangan umasa sa kanya. Sa totoo lang wala naman halos siyang naitulong sa akin e simula nung nagbuntis ako. After ko manganak narealize ko kung anong klase siyang lalaki kaya sising-sisi ako. Tamad na, sinungaling pa. Pwe.