Di nakapag vitamins nung 1st trimester
Late ko na nalaman na preggy ako dito sa 2nd baby ko, ung panganay ko kasi 1yr and 8mos nako nung niregla tapos nag mens ako ng 3mos lang after non wala na ako naman e kampante lang dahil nga pcos ako bago ako mabuntis sa 1st born ko kaya ang alam ko is pcos pa din now kasi bumabalik nga ang pcos at di naman ako nag gagamot, neto lang nakaraan nag pt ako at positive now nung kinwenta ko ang pwede maging due ko is 2nd trimester na pala ako now. Pano kaya to di man lang ako nakapag vitamins nung 1st trimester ko panay fastfood at di pa healthy mga kinakain ko lately dahil puro maalat cravings ko. Nastress tuloy ako. Sa 1st born ko kasi 10weeks pa lang nalaman ko ng preggy na me kaya nakapag vitamins ako pero dto sa pangalawa mag 16weeks ko na nalaman, mahahabol ko pa kaya yung need itake na vitamins para sa 1st trimester? Next week pa schedule ko sa ob ko for ults. Wala po akong naramdaman na signs, kaya ako nagpt e sinikmura ako netong mga nakaraang araw.