GRIEVIENG PROCESS (Long Post Ahead)

Last year namatay anak ko due to Nephrotic syndrome. Ever since namatay sya nawalan na din ako ng gana makipag socialized sa ibang tao. Unlike before na palagi kami nasa labas para makapag laro sya sa with his cousins. Pero nung nawala anak ko ang dami din nagbago sakin😢 Gusto ko lang lagi mapag isa, Ayaw ko ng may kausap esp ibang tao, ayaw ng maingay. Sa mister ko lang ako open sa lahat ng bagay. Sa kanya lang ako komportable na mag open sa kung ano mang nararamdaman ko sa araw araw naming buhay. Takot kasi ako mag open ng feelings ko sa ibang tao lalo na sa di ko naman ganun kasundo, mapapamilya, kakilala,kapit bahay. what i always think is hindi naman nila maiintindihan kung anong totoong nararamdaman ko kahit magsabi ako sa kanila dahil di naman nila napagdaanan kung anong napagdaanan ko sa pagkawala ng anak ko. Sobrang sakit at hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin lahat labanan yung lungkot at pighati na pinagdadanan ko hanggang ngayon. kahit mag iisang taon na sa june na wala ang anak ko. Ayaw ko sumandal sa ibang tao pagdating sa ganitong mga bagay. Maari ang iba sa inyo magpapayo na libangin ko ang sarili ko. Pero for me its my way and my choice to heal alone. Ayaw ko kasi ng nang iistorbo ako ng ibang tao para lang malabas ko lahat ng lungkot ko. What i do more is to talk with god. Everytime na namimiss ko anak ko, Kinakausap ko palagi si lord dahil sya lang din makakasagot at makakapag pahilom ng sugat na meron ako sa puso ko. Malaki ang pasasalamat ko sa diyos dahil kahit maaga nya kinuha ang anak ko, Biniyayaan nya naman kami ulit ng bagong magpapasaya sa buhay namin mag asawa. Im currently 8 mos preggy na po turning 9 mos na next week. Siguro kung hindi dahil sa baby na to matagal na din ako sumuko sa buhay ko sa sobrang lungkot at sakit ng pinagdaanan ko sa pagkawala ng panganay ko. Btw 1 year and 10mos lang po ang 1st baby ko nung namatay sya. As of now still grievieng pa din kami mag asawa pero kaya na namin ihandle ung lungkot. At looking forward kami para sa paglabas ng aming new blessing. Alam ko na anak ko din to ibinalik lang ni lord. Kaya kahit mahirap uusad kami at patuloy na magpapatuloy sa hamon at agos ng buhay para sa panibagong biyayang makakasama namin ulit❤️. Salamat po sa pagbabasa.

2 Replies

Same mi. 1st baby namin, hindi man lang niya kami nakita, hindi ko man lang sya nakita, nahagkan, at nahalikan sa personal kasi baka mas tumaas ang bp ko at hindi ko kayanin (baka mawalan din ako kaya hindi na pinakita saakin si baby ko. Sobrang sakit. Un ang pinakaregret ko sa life. Hindi ko nmn ginusto magkapreeclampsia, nag leave ako sa work para maagapan. Pero wala, kinuha na talaga si baby ko. Hirap kasi during my pregnancy wala ang asawa ko, malakas ang katwan ko pero malungkot ako kasi siya lang ang bff ko. Na CS ako, kaya waiting for pa kami for another 1 or 2 yrs. To have our 2nd baby, sana makabuo at makalabas ng healthy ang soon to be baby namin para makaisa pa kami sa sisunod. 🙏🙏 Sabi kasi ng iba hanggang 3 lang ang pwedeng baby kapag CS.. Ayoko sana ma CS kaso kailangan para maisalba ang buhay ko. Aalis na ulit asawa ko, wala n bff ko, malulungkot na namn ako.. 😢😢😭 "acceptance" talaga ang kailangan natin mi... Kahit ako din ayoko na ikwento sa iba ang nangyari, dahil hnd nmn nila maiintindihan... Lalo na hnd nmn nila naranasan. Kung maibabalik lang natin ang oras... Pumikit ako, kasi baka panaginip lang ang lahat. Pero hindi.... Nasa urn na si baby nang makita ko, noong niyakap ko ung urn naiyak ako..

Isang mahigpit na yakap po para sayo mami. In god's perfect time ibabalik din po ni lord sa inyo si baby mo❤️

I could just imagine what you and husband have gone through. Glad that you're in the "acceptance phase" and continually being strong. Maybe you could share about nephrotic syndrome that could help moms-to-be here about the disease? That would be much appreciated and if that could make you feel better as well ☺️

noted po mii. Salamat po sa pagbabasa❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles