God is with us

Last Sept 8 nagpositive po ako sa PT. Sobrang excited po kami kasi 1st baby namin to. Last Sept 13 nang madaling araw, dinugo po ako. As in pulang dugo. Siguro puno ang isang pantyliner. Pumasok pa ako sa trabaho kinagabihan kasi nagstop naman na. Pero nagchat ako sa OB ko sabi niya, hindi normal yung dinudugo. Kahit ano pang discharge yan lalo na kung madami. Dumerecho na ako agad sa clinic kinabukasan para makapagpaultrasound. Unang nakita sa ultrasound ko po (6w2d) is gestational sac lang. Walang baby 🥺 Naiyak talaga ako non kasi dko alam yung gagawin. Dko alam kung anong nangyayari. May bleeding din sa loob ng uterus ko. Sabi ng OB ko magbed rest lang ako tapos niresetahan niya ako ng pangpakapit at mga supplements. Fast forward today po (7w4d), nakita na si baby 🥺 Sobrang lakas nadin ng heartbeat niya. Gusto ko lang po ishare mga Mommies. Gusto ko po magbigay din ng hope sa lahat. Masyadong maaga para sumuko. Trust in Him. 🙏🏻💛✨ God bless po. #1stimemom #firstbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

💙❤

Post reply image