hinala

Last month po eto nangyare. 1 .Inaya ko si hubby makipag sex but nireject nya ko? nagulat ako mga momsh dahil sa 3 taon na pagsasama namin yun lang or dun lang nya ko nireject dahil sya mismo nagsabi sakin nuon mas gusto nya na sya inaaya.. Pero may time naman po sya nag aaya hahah. 2 . Grabe iba mood ni kuya daig pa daratnan at magmemenapause pero iniintindi ko baka pagod sa work. 3. Aya ulit ang lola mo reject ulit hala syaa. Tapos nakatulog sya niromansa ko hala naitulak nya ko. 4. Naging BC sa cp. Nakapag tataka kasi 3 cp namin. Isa sakin Sa anak nmin Sa kanya Yung sa anak namin naka log in fb and messenger nya..ginagamit lang naman yun kapag marami akong ginagawa nanunuod anak ko or minsan dahil nag oonline seller ako. Nag try ako na paikutin sya ayun hala si kuya nag iba . Sya naglinis ng bahay nung day off nya. Pinagluto nya ko binilan nya ko foods na hiniling ko. ( ginagawa naman po nya talaga to sakin) Nakahalata ata. Eto na mga momsh. Yung cp ng anak ko nalowbat eh nagmamadali na si hubby pumasok sa work . Nakalimutan kunin naaalala lang nya nasa work na sya wala syang magawa dahil malayo ang work.. Biglang nagtxt si tropa. == pre sa sabado aah papuntahin ko dito si sheena ako na bahala sa asawa mo magpaalam. == pre hindi pala tayo tuloy sa sabado mamayang gabi na daw dito ka na daw tumuloy sabi ni sheena sabihin mo sa asawa mo ot ka.. Pre hanep matitikman mo na ata pre hahahah.. Nandilim paningin ko mga momsh. And umuwi si hubby hinanap cp. Sabi ko. Ayun d ko maopen binalibag ng anak mo madami ako ginagawa kanina kaya hindi ko maasikaso.. Pinilit nya iopen. Naopen buti nalang madami nagsend ng message hindi nahalata na naopen ko message ni tropa. And ayun umalis anak ko dinala ko sa loka nya sinundan ko si gago eh d huli ka balbon.. Lande pa more ano kayo ngayon trapang B.I Si sheena ayun hiyang hiya si gaga

47 Replies

Mga momsh minsan po ipakita natin sa asawa natin na kaya natin na wala sila at dapat malaman nila kung ano kaya nating gawin kapag nagloko sila. Dahil certified babaero dati tatay ko tinuruan ako ng mama ko hahahha.. Dahil kapag daw nakita ng asawa natin na mahina tayo sa mga ganyang bagay mabilis daw mabilog ng iba ang ulo nila madalas daw kulang pa pinapakita natin sa kanila na pagmamahal at pag aalaga pero kapag daw nakita nila kung ano kayang mong gawin at kaya mong isakripisyo matatakot daw sila. Kaylangan daw maging matapang sa lahat ng oras. Kasi mama ko sobra sobra binigay nya sa papa ko nambabae pa ayun natuto si mama eh d natauhan papa ko nung pinakita ni mama ko kung ano mangyayare kapag inulit nya pa.. Update lang po sa nangyare. Lahat ng tropa ng asawa ko nagsorry sakin pero hindi ko inaaccept pinamili ko asawa ko barkada nya or kami. Pinili nya po kami pero hindi lang don. Kunwari pumunta ko presinto dala ko marriage contract namin hahahhaha. Aba si gago nagmakaawa hindi na daw nya uulitin. Sige pero kumuha ako kutsilyo puputulin ko bayag nya.. Sabi ko mga momsh imaginine nyo nalang po yung asawang g na g na parang dragon. Punyeta kang lalake ka akala mo ang gwapo mong hayop ka kung mambabae ka ganun ganun nalang bakit ano na ba tingin mo sakin pokpok para tumikim ka ng iba hayop ka! Sige hakutin mo lahat ng gamit mo lumayas ka dito wag na wag ka ng magpapakita samin mag ina ikaw mismo nagtanggal ng karapatan sa anak mo! Hayop ka babae anak mo dapat ipakita bilang ama bilang lalake na dapat ginagalang mga babae pero ano ginawa mo punyeta ka wag kang matutulog hayop ka puputulin ko yan alam mo kung ano kaya kong gawin punyeta ka...

wahaha... go mommy... next kabanata nman ahihi... galing m mommy hihi

Girl, nahawa ako sa panginginig ng laman mo. Haha. Nako, wag na wag ka magfocus sa girl, di worth it. Dun ka sa asawa mo mag-focus. Palayuin mo lang sa kumag niyang tropa. Sana nag-save ka ng screenshot nung messages, tapos binack-up mo. Mister ko, sa viber secret messages at may password pa nun. Eto, kinukutuban nnman akong may iba naman ngayon, makakuha lang ako ng timing, malilintikan sakin to ng bongga pag tama ako. Jusko wag sana. Again, sis. Wag mag-focus sa girl. Sadyang malandi lang siya. Asawa mo ang nang-hudas sayo, siya dapat ang maipako mo sa krus ng bonggang-bongga. Keri mo pa patawarin? Ang hiraaap. Simula nung dati, ayun lagi na akong napraning. Di healthy ito e. Lalo ngayon, buntis ako. Haay, mga lalaki talaga. Minsan ayoko na e, para bahala na siya magpakasasa kung saan saan. Iintindihin ko na lang mga anak ko. Kaya lang, sa ngayon wala pa naman uli akong matibay na ebidensiya, haha. Haay nako Lord, patibayin pa sana niya tayo lalo ang mga puso at isip natin, para sa mga anak. Kalma mommy. Goodluck 👍 Gabayan ka sana ni Lord para sa anak mo.

VIP Member

Siraulo tropa ng hubby mo. Buti na lang si hubby kusa nya binibigay account nya sakin. Naka log in dn FB and messenger nya sakin. At pag sa bahay iwan nya lang cp nya kung saan saan. Sakin pa papakalkal. Pero dati nung di pa kami mag asawa mag syota kami tapos malabo dn kami nun pinalitan nya password nya nag duda ako tama hinala ko umamin naman nakipag chukchak sya sa iba.

Momshie dapat dinocument mo yung landian nila para diniretso mo sa barangay or police station. Harot ng babae ang kapal ng mukha alam na nga na may asawa. Dapat sa tropa niyan binabaon sa lupa e. Nako momshie wag ka papayag na suyu suyuin kalang niyang hubby mo, di malayong ulitin niya ulit yon esp if ganyan mga kaibigan niya. Power hug momshie kaya mo yan. Wag papaapi!

Parang sakin ginawa momsh. Nanginiglaman ko nung binabasa ko. Pero bilib ako sayo, kasi nagawa mong kumalma nung nakaharap mo si mister mo matapos mong mabasa lahat ng yun. At lalo na yung nagawa mo pa silang sundan. Sana naman after niyan, magsisi at magbago na ang asawa mo. At para naman sa mga tropang B.I, sana tinalakan mo na din, ang kakapal ng muka.

Sarap balibangin ng ganyang tao jusko dati nahuli ko yung dummy account ng asawa ko wala namang babae na usapan.pero nabasa ko yung tropa nyang adik nagchachat sa knya inaaya sa kalokohan kaya simula non hindi na maka pag inom ang asawa ko kasi namn mga mister wg gumawa ng kalokohan yan tuloy nd na makapag feeling binata

VIP Member

Kagigil yung mga ganyang sulsul na tropa, alam ng may pamilya kinukunsinti pa, at sila pa mga nagsusulsol na gumawa ng kalokohan!!!! GG talaga ako sa ganyan, mga bugaw. Pati naman si ate girl hindi ilugar ang kakatihan, makikisawsaw pa sa pamilyado na 😡

VIP Member

Minsan talaga me mga barkada ng bad influence grabe. Dapat momsh nagdala ka alak tas pinagbabasag mo sa muka ng tropa nya at ji Sheena hahahah ✌️ kausapin mo mabuti si mister mo dapat di sya na lumalayo pag alam nyang makasisira sa pamilya nyo.

Good job momsh! 💪🏻👍🏻 Sana bago mo bigyan ung asawa mo, pati ung babae, sinampolan mo muna ung tropa niya! Hahaha! Kaasar ung mga ganyan! “Kaibigan” pero tutulungan ka para masira pamilya mo! Walang kwentang kaibigan!

wooooh! mommy for the win! hahaha di nga talaga dapat pakakampante kasi kahit wala naman sa isip ni hubby, magkakaroon idea lalo na kung BI talaga ang tropa. takutin mo din mommy yung sheena. naku naku naku. sarap nyan ibalibag.

Trending na Tanong