Mas lalo po ba kayong nagcrave sa pagkain during 3rd trimester?

Lagi po kasi akong gutom at laging nag iisip ng specific food na gusto kong kainin. Mas lumala po ang cravings ko during this trimester.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same here, but need ko mag maintain and diet as my Ob said para hindi ma cs section para makapanganak agad. Lalo na yung pagkain ng matatamis thanks kay Lord sumasang ayon lahat naka cephalic na din baby ko. And both healthy kami 😊🥰❤️

True mami... Kahit ako ang lakas ng cravings ko..parang gusto ko ng matamis lagi..., pero kailangan pa din mag control dahil nasa 3rd trimester na tayo. Baka tayo ang mahirapan sa pag laki ni baby., good luck sating mga team August 😊

VIP Member

Ako din eh, Sobrang selan ko nung 1st tri, ngayong 3rd lagi naman akong gutom. Hirap magdiet maya maya ka nagugutom. Kaya need talaga may crackers ka kahit tikim tikim kelangan magtiis

same kung kelan manganganak na napapalakas kain ko 39 weeks and 4days na ko. kaya sa nxt check up ko i-induced nako ng ob lampas na kasi ng due baka d ko na ma-normal si baby. 🥺

yes kasi mas malaki na si baby kaya mas gusto mong kumain pero hinay hinay kasi sa 3rd timester dpt diet tlaga kasi kapag masyado na malaki anak mo mahirapan ka manganak.

TapFluencer

YES team sept po me. nako ,kung kaylan sumikip yung tyan ko tska lalo lumakas kmain haha hirap kc dati walang gana ngayon puro unli at buffet haha

me din po, yung tipong kakain kulang gutom nanaman, kaya ang ending malake c baby pag labas at halos diko cya mailabas hirap na hirap ako.

yes, actually nung 1st trimester wala akong gana kumain tapos kung kailan 3rd trimester na need na mag diet tsaka ako tumakaw 😅

TapFluencer

yaaaas. mas matakaw ako ngayong 3rd trimester as in. maya't maya ako gutom siguro dahil lumalaki na si baby kaya ganun

yes po lalo nung malapit na tlg ko manganak. feeling ko kasi ang tagal ko nagtiis di kumaen ng sweets haha