Lagi akong umiiyak, stay at home Mom po ako, wala akong mapagsabihan ng mga problema ko, malayo assignment ng asawa ko sa amin.. Pag umuuwi sya gusto kong pag usapan sana kung saan niya ginagasto ang ibang sweldo niya pero umiiwas sya sa usapan palagi, may times na walang diaper at tubig ang baby namin, wala syang maipadala kasi naubos na pambayad sa mga utang dahil sa sugal niya😭 lagi nalang akong umiiyak, gusto ko na magkatrabaho kaso walang magbabantay sa 2 anak ko kasi alam kong hindi na niya kami kayang suportahan dahil baon na kami sa utang dahil sa online sabong, gusto ko sanang makipaghiwalay na sa kaniya at dinagdagan pa ng in laws na mahilig akong pangunahan sa mga desisyon, nakaka stress na sobra, umiiyak nalang ako wala akong karamay, mahina kasi loob ko. #pleasehelp #advicepls