Dry labor: CS due to baby's distress

Confuse on what happened. EDD Oct 20, 2019 DOB Oct 12, 2019 CS due to Baby's distress. Back story, were planning of normal delivery. dahil mother and ate ko kinaya normal. May kalakihan balakang namin factor din sa opening sa pelvic. So ako positive na kaya ko din i normal. Oct 10 evening nakaramdam na ako ng pananakit na balakang pero i ignored it kala ko one of the false alarm na naexperience ko. Kinaumagahan Oct 11, masakit sakit pero kaya pa nakapag work pa ko (work from home) , nakapa delegate pa ko ng work sa mga kateam ko. Nung bandang hapon naramdaman ko na padalas ng padalas pain and d na masyadong tolerable. As in every 5 mins interval ng pain, dati balakang lang masakit, now may kasama ng likod at puson. Natitiis ko pa sya kala ko wla lang.. nahintay ko pa si husband dumating from work. Mga 7pm nakami nag decide na isugod nako sa hospital. Pagdating dun pagcheck nila 5cm nako.. So ang saya 5cm na pala ako , 5cm na pala yung tinitiis ko sa bahay at sa byahe papunta ng hospital. Ang saya kasi finally i a-admit nako sa hospital. (nung last time na punta namin kc pinauwi kami dahil false alarm lang at saradong sarado pa daw). At 11pm Oct 11 nasa 7cm na ko, at first ayaw ko mag epidural, kala ko kaya ko. Insist pa ko ng doctor na turukan na ko. Nung walang epidural parang accepted ko na masakit at pasakit ng pasakit. Pero once na experience mo epidural at nawala bisa.. kaw na mismo mag aask kelan ang next shot. Anyway, excited nko umire dahil gusto ko sya i normal talaga. Kaso nagtataka nko dun sa head nurse pag ina-IE ako umiiling iling lagi.. so from 11pm to 1am 7cm pa din ako.. Then nag decide sila na putukin panubigan ko baka sakaling daw bumaba baby. After putukin, yung sa left side ko na nurse naman ang umiling, nagulat sya ng mabasa nya yung paper dun sa machine.. sabi in-distress daw baby.. then nag usap usap nurse kasi nung time n yun wala pa OB ko. Sabi skin nag poop daw baby sa loob.. Then yung nga mga 1am+ dumating OB. Inassess assess ako, sabi skin we can wait until 3am para bumaba baby.. pero beyond that di na pede at CS na lang daw option namin. And nilalagnat na din ako that time due to infection. So nagulat ako, pinatawag na husband ko to discuss what happened. And ano best option for us. Ayun nga sabi infection daw pag tumagal baby sa loob. kaya need i CS. Now sabi ko doc d po ba pede i induce natin para bumaba lalo? sabi nya d na daw allowed induce sa stage ko at 7cm. Nadistress din daw baby nung pinutok panubigan ko kaya nag poop. Baka maka kain pa sya if patatagalin. So ayun n nga no choice na.. Na CS po ako and nailabas ng maayos baby around 3:58Am ng Oct 12. Question: 1. After surgery sabi skin kaya daw di bumaba baby is dahil daw nakatingala head nya. Hinde daw ma-shoot ng maayos head. May ganitong case po ba tlga? 2. Usually ng naririnig ko pinaglalakad pa mga mommies para bumaba baby. Sa akin walanh ganung advise mga nurse or doctors. Per case po ba yun? 3. sinsadya bang putukin panubigan para bumaba baby? 4. Ako lang ba ang diperensya ng sobrang lungkot ko na CS ako, lagi sinasabi skin ni husband as long ok kami ni baby ok na daw yun.. Sa akin lang, feeling ko nakukulangan ako sa effort ng medical team at nag resort agad sila ng CS option. Or out of hand na talaga? 5. yung pag apply po ng induce kelan lang po pede? Lagi ko sinasabi na ok lang yan.. may baby girl kana .. at ok kami parehas.But at the back of my mind parang questionable yung nangyari or d ko lang naiintindihan.. pahelp naman sino knowlegeable dito sa mga tanong ko. thanks po ?

2 Replies

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles