Labor story.
12midnight nananakit puson ko mga mami, wala naman brownish discharge and all kaya itinulog ko nalang pero alam ko this one is different.
Woke up around 3:30m, ginising ko na asawa ko nag padala na ko sa ospital. Register, test ihi daming tanong etc tsaka palang ako ini e, 5cm dilated (4:30am) na ko kaya pinapahiga muna ko sabi ko uupo nalang ako mas bearable kasi yung pain.
Tinawag ako nung doctor para i scan sana si baby pero pag check nya 7cm na kaya dinerecho na ko sa delivery room it was around 5:00am, di ako makapaniwala how things escalated that quickly.
Pinahiga na ko para ma monitor heart beat ni baby around 5:15 chineck ng nurse kung ilang cm na ko and biglang pumutok panubigan ko that's when they called my husband to come inside.
5:30 am, my legs started shaking because of the pain of the labor, and started pushing. With my surprise, 6 long push and the baby came out.
All is worth it!!
Good luck mga mami!
She's 2.8kg
Via NSD
October 24, 2019
Edd: october 23, 2019