Mommy, alam mo na ba ang chismis?

Kung pupunta ka sa past, ano ang gusto mong balikan at baguhin? And bakiiiit? Present again ang Mareng Tess niyo ngayon, ang Sizzling Friendship Tsismosa ng L.A (Lower Antipolo)!💋💅🏻 #TAPAfterDark Medyo madrama ang question natin tonight. So, sagot na! 🙍🏻‍♀️☕

Mommy, alam mo na ba ang chismis?
166 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yung binigay ko virginity ko sa ex ko. ngayon ko lang narealize na abuse na pala tawag kapag pinipilit ka sa di mo gusto. natatakot ako nun baka mabuntis nya ako kasi pareho lang kami estudyante that time, pero takot din akong iwan nya. ang tanga ko rin 😂

TapFluencer

kung makakabalik ako sa past life ko, siguro ang babalikan ko yung mga time na nagpasaway ako sa magulang ko. itutuwid ko lahat ng iyon at makikinig sa mga payo nila.. and also magbibigay ako ng maraming time sa lolo ko who passed away last january 2021..

aq wala na rin cguro....kc qng di kuh rin nmn pinagdaanan ung mga past kuh di q mkikilala ung asawa kuh ngaun kya wala wala rin nmn aqng pinagsisihan..ngaun doble pa ung dumating sa buhay kuh my mabait na asawa at parating na munting anghel😊🥰

If may babalikan ako sana nagbachelors degree na kaagad ako. Para di nasayang ang 4 years (2 years associate course 2 years working) di man ako napromote. Nagbachelors degree ako after 4 years ngayon matanda na ako wala parin stable na trabaho.

yung nag aral na lng sana ako ng mabuti .. ung tinuloy ko nlng sana ang pag aaral hnggng kahit maka bachelor lang .. 🥰🥰🥰 kaso kht bachelor ka at walang mag aalaga sa mga bata .. sacrifice ka pa din kc mother is always a mother .. 😂

ung pagka graduate ko ng high school sana noon pa lang nag working student na ako. kung ginawa ko yon matagal na sana ako graduate at natutulungan ko na magulang ko.. Ngayon kasi 27 na ako ngayon pa lang ako nagsusumikap makapag aral

Kung makakabalik lang po sana sa past ehh sana natapos ko po muna pag-aaral ko.. But never doubted kung ano po ang meron ako ngayon.. biniyayaan po ako ng tatlong malulusog na anak at un ang di ko po pinagsisisihan ☺️☺️☺️

kung makabalik mam ako sa past ko gusto balikan yung manga panahon kasama ko pa mama at lola ko . para makita nila yung apo nila ngayon 🥺😢. para sa akin mahirap mag buntis ksi Hindi ko alam kng ano dapat at pwede ko gawin .

Gusto ko bumalik yong asawa ko na namatay 😭na napaka bait wala akong masabi sobrang Miss ko na siya😭😭naging buhay prinsesa ako sa kanya pero ng nawala siya nabago na lahat😭😭😭😭sana puwede ibalik ang lahat

Ako wala akong babguhin ksi even dami pinagdaanan yun yung ngpatatag skin bilang tao anak ina ngayun s Mga anak ko😘😘😘ako ksi yun tipo NG babae n Di ambisyosa kuntento s kung ano meron basta pinghirapan😊😊😊