Mommy, alam mo na ba ang chismis?

Kung pupunta ka sa past, ano ang gusto mong balikan at baguhin? And bakiiiit? Present again ang Mareng Tess niyo ngayon, ang Sizzling Friendship Tsismosa ng L.A (Lower Antipolo)!๐Ÿ’‹๐Ÿ’…๐Ÿป #TAPAfterDark Medyo madrama ang question natin tonight. So, sagot na! ๐Ÿ™๐Ÿปโ€โ™€๏ธโ˜•

Mommy, alam mo na ba ang chismis?
166 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung bibingyan man ako ng pagkakataon na bumalik sa past ko ! -Yun ay ang araw na nalaman ko na 2months buntis na pala ako, Kung bakit? kay tagal kong pinagdadasal kay Lord na sana bigyan niya ako ng munting supling feeling ko kasi nagkakaedad na ako ,Gusto ko maranasan sana maging magulang at tawaging Mamaโ˜บ ...pero mag 4 4months na sana siya sa tiyan ko bago makunan napakasakit sakin๐Ÿ˜ญ kasin yun na eh ibinigay na sakin ko God ...kung maibabalik lang sana huminto na ako sa work ko nong nalaman ko nabuntis na ako ...kasi nasaisip ko kaylangan ko magkaipon ng pera bago huminto sa work eh wala pa naman maayos na work hubby ko kasi nagkapandemic na stop company nila kaya kaylangan ko magkayod ..balik ku sana huminto pag 6months na tiyan ko ..pero di siya nakapaghintay ๐Ÿ˜ญ diba sabi ko sayo baby ko hold on lang kasi nag iipon pa si mama para sayo ..kahit medyo may nararamdam akong kerot sa tiyan ko sa stress cguro pero kinakausap kita baby na kapit ka lang pero niniwan mu aga si mama eh ..sinisisi ko self ko baby kasi pinabayaan kita ang sakit hangang ngayon nawala ka ...kung pwedi lang bagohin sana andito kapa at naalagaan kita anak ko ..feeling ko di ako buo ...Pero alam ko may plano si God ba't nangyari yun ..Sana bigyan ako ulit ni God๐Ÿ™

Magbasa pa

Kung makakabalik ako sa past ko ang gusto kong baguhin ay iyong mga panahong lumuhod at nagmakaawa ako sa asawa noong nagloko siya, sana mas naging mas malakas ako, sana mas naging matapang ako, sana naisip ko na hindi ko siya kailangan, dahil simula nagbago ang pagtingin ko sa sarili. May permanente akong trabaho sa gobyerno, sariling sahod at never humingi sa kaniya. Nagawa niyang makipagchat sa iba, nakipaglandian, nagawang magsendan ng mga pictures at higit sa lahat nagawang magpadala ng pera sa panahon ng pandemya. Hindi na ako gaya ng dati, kami pa rin hanggang ngayon, hindi ko nagawang tuluyang makipaghiwalay kasi kasal kami at may anak. Naputol na ang ugnayan nila ng babae pero ako, hindi na gaya ng dati, kahit anong pilit kong magpatawad, hindi ko pa rin magawang makalimot, ang linaw pa rin ng mga malalandi nilang usapan sa chat sa aking isipan. Sasabihin ng iba, chat lang pero para sa akin, cheating is still cheating, kahit ano mang paraan nangyari. He was my bf for 8 yrs before we got married at bago mg 2 yrs anniversary saka niya nagawang magloko. I was really betrayed and I am still hurting.

Magbasa pa
3y ago

๐Ÿ˜ž๐Ÿ˜žhugs

Siguro para sa akin, mas gusto ko ng present ngayon, kumpara nong past kasi daming masasakit, pighati sa dibdib ko na hindi talaga magagamot ng kung sino o anong bagay pa yan! Kasi kung babalikan ko yong mga past experience๐Ÿฅบ bad memories ๐Ÿฅบang sakit talaga ..yon lang pagkawala ng mama ko, kapatid ko, anak ko panganay sana kaso wala ehh kinuha sila lahat sa akin yong tila gusto ko ng buong pamilya kaso wala sila..hindi ko na maibabalik yong dating masasayang ala-ala nila.. Thankful and blessed ako ngayon kasi binigyan ako ni God ng chance magkaroon ng pangalawang baby at saka responsible na asawa๐Ÿคฐ๐Ÿ™ at sila na ngayon yong inspiration ko despite sa mga pangyayari noon struggle noon kaya salamat panginoon sa walang sawang pagtulong sa amin๐Ÿ˜‡๐Ÿ™๐Ÿฅฐโ™ฅ๏ธโ™ฅ๏ธ

Magbasa pa
VIP Member

wala akong gusto baguhin SA past ko ngaun ang gusto ko baguhin Yung Hindi gantong buhay sobrang hirap dahil noon nag buntis ako SA panganay Kung anak maginhawa Kami Hindi tulad ngayon sobrang hirap simula nagbuntis ako minsan wala ako budget Hindi tulad Nung 1st time pregnancy ko Hindi Kami ganto ngaun dami ko utang Hindi tulad dati wala iniisip ko Lang noon pag iipunan ko binyag Ng 1st baby ko ngaun utang ko na iniisip ko sobrang hirap Kaya Sana po matulungan nyo po ako kahit konting halaga blessings na po Yan para sakin SA panahon Kasi ngayon sobrang hirap na Kaya Kung may gusto ako balikan noon nakaraan kesa ngayon na marami iniisip dahil SA utang ๐Ÿ˜” Kaya Sana po may makatulong sakin maraming salamat po godbless us ๐Ÿ™๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

kung pwede lang bumalik sa past, sana hindi ako naging makasarili sana inisip ko din partner ko kung gaano ko sya binalewala sa mga pinaggagagawa ko. nasaktan ako ng sobra pero mas nasaktan ko sya. akala ko yun yung paraan para magbago sya pero sumobra pala ako. nagkabalikan kami at malapit na rin lumabas baby namin pero ang dami nyang pinagbago. halos di ko na maramdaman na mahalaga ako sakanya at mahal nya ako. parang kulang di ko na maramdaman yung presence nya bilang asawa ๐Ÿ˜“ ang hirap ang dami kong pagsisisi sa past na yun ๐Ÿ˜žhabang kaya natin magpatawad, magpatawad tayo. wag tayong mag ipon ng sama ng loob tayo din ang masasaktan sa bandang huli.

Magbasa pa

kung may baguhin man ako sa past ,ai yung mas nagpabola ako sa taong akalako sea na pero sea pala sisira sa buhayko, sana nkapag aral ako at nkapagtapos sana maganda na ang future ko ngayon,buti nalang dikami nakasal at iniwanko sea na kahit anung pakiusap at makaawa nea.at isa pa yung 15years old akong mabuntis ,pero maaga din nawala, kung maibabalik ko lang ang nakaraan๐Ÿ˜ข sana naalagaanko sea sa loob ng sinapupunanko , pero nagpapasalamat parin ako kasi ,alamkong kahit nakunan ako noon, napalitan naman at kabuwanan ko na ngayon. promise ko sa sariliko na diko sea pababayaan, at salamat kasi tinupad ni LORD ang prayko na magkaanak ulit,

Magbasa pa

If may ibabalik ako, sana di ko nakilala yung tatay ng baby ko. Kasi ayoko maranasan nya yung pain na nararamdaman ko ngayon, ang anak ko pala ang kawawa :( kung dati pa lang nakalet go na ako, kung dati pa lang di na ako nagbigay ng second chance, edi sana di nararamdaman ng anak ko ngayon yung pain at alam ko di nya mararanasan yung suffering ๐Ÿ™‚ but anyways tho ganon yung anak ko naman yung nagbigay ng buhay sakin para lumaban ulit. Kaya whatever it is na nangyare, positive na lang ako na gagawin ko laht di lang matulad yung anak ko sa boyfriend ko.

Magbasa pa

ahhmm kung maibabalik nga lng ang mga oras o nakaraan na wala aqo sa tabi ng pinakamamahal kung lola,gagawin ko lahat maalagaan at mbantayan lamang po xia.dahil sa nakaraang nabubuhay pa xia wala xiang katulad sa sobrang bait at aqo ang pikapaborito nyang apo.kaya mapahanggang ngayon dala dala ko pa rin sa puso ang panghihinayang na hindi ko man lang nasuklian ang pag mamahal na dapat makuha nya sa akin...but lola ,kahit nasa piling na kayo ni GOD,you will always here in my heart ever..!!i love you lolaโคโคโคโค๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜

Magbasa pa

Kung babalik man ako sa past ko, Yun Yung mayakap ko ulit Ang tatay ko at Yung oldest brother ko, 8 yrs old ako nun nawala Ang tatay ko, 28 yrs old Naman ako nawala Ang panganay naming kuya ๐Ÿ˜ž๐Ÿ˜ž ayaw Kong balikan Yung past ko sa love life, super grateful and blessed ako ngayon sa partner ko. Yung past na malungkot na nakilala ko mga ex ko okay na ko dun at least natu2 ako sa maling nagawa ko, may mga bagay na pinaparanas sa atin si Lord, ito ung mga problem para matu2 Tayo at manalig sa kanya ๐Ÿ˜Š #kaFaithLangKayLord๐Ÿ’ช

Magbasa pa

kung ako nman ang bibigyan ng pagkakataong balikan ang past ko.masnanaisin ko nlang na wag na akng bigyan ng pagkakataong balikan ang past ko.kc sa tuwing na aalala ko ang past ko.lalo lang akng nalulungkot at nagagalit,lalo akng nagagalit sa mga taong naging parte ng past ko.ung tipong gusto ko ng hilingon na sana magka amesia nlang ako para makalimutan ko ang lahat ng nangyari sa past ko.dahil sa sobrang dami ng pinagdaanan ko sa past ko.nagka truma pa ako.na hanggang ngayon daladala ko pa kahit na my asawa't anak na ako.

Magbasa pa