166 Replies
hmmmmm . WALA . wala akong ano mang babagohin. kc naniniwala akong lahat ng nangyari ay dapat mangyari at may rason. na-overcome ko naman lahat ng mga yun so okay na. past na ey . iwan nalang sa nakaraan. ayokong maapektohan ang present at future ko ng dahil lang sa binago ko yung dapat nananahimik na. yung past na yun is the reason bakit ganito ako ngayun , at hinding hindi ko pagsisisihan ang mga nagawa ko noon ( mali man o tama ) kc yun yung naging LESSON ko to be better π.
given the chance... siguro yung mga unang taon ng pagsasama namin ng asawa ko para mabago ko lahat ng mali ko maitama ko at maging wise financially wala eh noon walang plano ... as in wala. kaya ngayon nahihirapan kami.. kung sana lang pwede pang ibalik sabay naming aayusin ang lahat ,sabay kaming magiging wise sa lahat ng desisyon.. .. sana kung sana lang talaga.. wala naman akong babaguhin sa kung sino ang naging asawa ko lalong lalo na sa mga anak ko.sila pa din .
yung part na kng saan hndi ko binigyan halaga yung mga sinasabi ng mama ko at hndi ko nabigay yung time for bonding sana namin . ngayun 3yrs old plng anak ko iniwan nya na kmi . mahal na mahal nya first apo nya. di ko talaga malaman kahit saang anggulo ko tingnan bakit ginawa ni god to sakinkng kelan bumabawi pa lng ako sa kanya. at sobrang bait ng mama ko kahit nasasaktan na sya sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sakin nilalaban nya ako. π₯π
If I'll be given a chance na kung saan pweding baguhin at balikan ang past yun ay ang mas gawin pa ang best for my parents , you know I'm not that so good to them and I regret it so much. I disappoint them always maybe if I did my best things won't be like this maybe my parents won't suffer enough for us to be broken. I ruined a lot. I hope it's not too late I'm always praying na sana babalik pa sa dati ang lahat in God's name. :)
marami akong dapat baguhin .unat una pagiging gastador palabigay .. kasi ung pag abroad ko ng 6 years . nakatulong pero natabunan ng utang .. maiisip mo lang bagay kapag nangyari . maiisip mo dapat matuto din maging maramot . kasi ang mapagbigay minsan my kahinatnan ngunit meron din walang kwenta. nagsakrispisyo ka pero my napuntahan ngunit hndi appreciated . pangalawa yung nagmahal ako sa mga taong maling tao alam kong MALI.
para sa akin wala akong past na baguhin kung may past na babalikan man gusto ko yung buhay pa ang mama ko para maitanong ko sa kanya kung paano maging isang mabuting ina paano mag.alaga ng bata anong gagawin kung magkasakit sila at kapag kailangan ko talaga ng ina andiyan siya lage pero yun nga hindi natin hawak ang buhay at kinuha na siya ni God dalangin ko na maging matatag ako lalo na ngayon na isa na akong Ina
Ang gusto Kong balikan at baguhin ay yung mga panahon na gusto Kong ipakita at iparamdam sa papa ko na mahal ko siya kahit humiwalay ako sa family ko para makapag aral. Nakapagtapos nga ako Kaso nawala siya ng maaga saamin .But I know na masaya na siya ngayon kung saan man siya naroroon kasi maganda na buhay namin magkakapatid kasama si mama. Miss you po pa, πGabayan mo po kami lagi.
kung May babalikan Akong time ung time na si nunod ko nanay ko na mag aral Ng college hahaha ayaw q tlga mag aral Ng college that time tanggap na Ako sa work as factory worker and Ang Plano 1-2yrs as factory worker lng Ako Dito local then mag abroad na Ako mga 4yrs lng mag iipon at mag tatayo Ng business..cguro mas ok na Buhay q ngayon.misnsan tlga mas mbuting piliin mo kung saan ka Masaya π
Yung week before aug 18 na namatay yung baby ko dahil premature. π Yung days na nararamdaman kong masakit yung ilalim ng puson ko pero binabalewala ko lang kasi pasulpot sulpot lang naman. Na sana naagapan ko na hindi muna siya lumabas kasi 6months pa lang siya. π Na sana nag pa check up nako nung naramdaman kona nasa ilalim na siya ng puson ko ππ Sobrang nakakasisi ππππ
Yung part na hindi ko sana pinilit yung maling relasyon na pinasok ko noon, na pinili ko yung lalaking mahal ko kesa dun sa mas mahal ako. I ignored all the red flags and married him, now these red flags are kicking back hard at me. Im super lucky with his parents tho and super blessed with the baby, pero yung asawa ko? I wonder kung hanggang kelan ako kakapit sa sinumpaan namin.
OMG. Same tayo, pati sa parents same type din sila hahahhaha and yes! Naiisip ko din na gagawin niya din yun balang araw. Kaya ngayon, binibuild ko lang ang sarili ko para kung dumating man ang time na yon, hindi na gaano masakit hehe
Jackie Meneses