Pag maitim ba yung kinakain maitim din si baby paglabas?

Kumain po kasi ako ng pusit, gustong gusto ko po yung adobong pusit, at Atay ng manok naman po dahil may magandang benebisyo daw po sa buntis yun. Kaso habang kumakain ako tinawanan ako nung kasama ko maitim daw po magiging anak ko kapag labas? Para sa akin walang masama kung maitim si baby o hindi, ayoko lang po hindi pa nga lumalabas si baby pinagtatawanan na 😔#firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls #sensitivemom

84 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nasa lahi po. Kung morena ang isa sa parents, may chance na morena din ang baby.

Hindi, ung anak ko pinag lihi ko sa chocolate's at bbq na sunog, pero ang puti puti nya

4y ago

Salamat mamsh, ako Din mahilig sa chocolate 😊

VIP Member

nope .. i craved dark mocha frappe and champorado always pero maputi baby ko

Depende po sa genes yun mommy hindi po sa kung ano yung napaglilihian natin 😊

4y ago

Salamat po 😊 yan din po sabi ng iba.

VIP Member

Not true momsh. Even ung sinasabi nila na kpg kumain ng talong, iitim si baby

4y ago

Ahahaha natawa naman ako dun mamsh 😄 nasa gense nga daw po ang kulay ni baby wala sa kinakain ehehe

VIP Member

Ako nga pinaglihi ko ng chocolate baby ko 😊 Di naman maitim baby ko

sa genes nmn po ng parents un . myth lang ung mga ganyan hehe

VIP Member

di po yun momsh kain kalang ng lahat ng gusto mo 🥰❤️

try to eat lng yung atay in moderation 😍

nako ..ndi mgnda kumaen ng laman loob ng manok hbng bntis