Pag maitim ba yung kinakain maitim din si baby paglabas?

Kumain po kasi ako ng pusit, gustong gusto ko po yung adobong pusit, at Atay ng manok naman po dahil may magandang benebisyo daw po sa buntis yun. Kaso habang kumakain ako tinawanan ako nung kasama ko maitim daw po magiging anak ko kapag labas? Para sa akin walang masama kung maitim si baby o hindi, ayoko lang po hindi pa nga lumalabas si baby pinagtatawanan na 😔#firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls #sensitivemom

84 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano naman kunek ng kinakain sa mgging itsura ng baby mo? 2021 na, ganyan pa dn pniniwala ng mga tao

4y ago

Kaya nga mamsh eh 😅 salamat po

ako din momsh sa maitin anahilig. dinuguan,iced coffee tapos gusto ko mga tostado pag prito 😅

4y ago

Ako din po kumakain ng dinuguan ehehe

VIP Member

Hindi totoo yan. Ako mestiza ako pero maitim asawa ko kaya maitim din anak ko. Nasa lahi yan.

VIP Member

no. kung ano kulay nyo mag asawa sya magiging kulay ng mga anak mo. wala yan sa kinakain

VIP Member

Nakadepende yun sa inyo mag asawa. Kung pareho kayo maputi, maputi anak nyo. Ganun po un.

No po. Naka depende sa genes po ng parents ang pagkuha ng physical traits ng offspring/baby😊

4y ago

Yan din po sabi ng partner ko, salamat po 😊

no mommy😅 baby ko po pinaglihi ko sa duhat.. wala naman pong pagbabago😁 maputi si baby ko

4y ago

Thank you po, sabi nga po nila sa genes daw po 😊

Yung kaibigan ko pinaglihi nya sa moo na chocolate drink ung anak nya maitim den heheh

Super Mum

No, not true mommy. Wala pong kinalaman ang kinakaen natin sa magiging kulay ni baby.

hindi ah edi sana may orange na na baby kasi may mahilig sa orange nung nagbubuntis hehe

4y ago

Ahahaha natawa ako dun mamsh 😅 salamat po. Sensitive lang po siguro ako ehehe