33 weeks manas na manas ako :+

kht nag lalakad.squat..nainom mrme water :(kain ng monggo :(

33 weeks manas na manas ako :+
42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

para maiwasan daw po ung manas sa paa, 1. uminom ng maraming tubig 2. itaas ang mga paa 3. pagtulog sa left side 4. cold compress 5. exercise / lakad lakad iwasan mo din sis kumain ng maalat tska uminom ng kape or ung may mga caffeine. balance diet. ako never namanas mga paa kahit mag 37 weeks na c baby.

Magbasa pa

normal po sa buntis or malapit na manganak.. bantayan lang po ang BP.. ako noon dumating sa point na hindi na ako makalakad, kahit sa pagtayo, araw araw lakad, nakataas ang paa sa pagtulog, kain monggo, minanas parin, at normal lang daw! basta hindi tumataas ang BP.

ganyan din po ako namamanas na,pero hnd po ganyan kagrabi..34weeks ndin po ako bukas.ang pinoprobLema ko nmn po ang bp ko taas baba.kanina Lang nag 140/100 ako..kahit normaL nmn ang wght namin n baby,pati mga Lab test normaL..😢

VIP Member

itaas mo paa mo lagi mamsh kapag nakaupo ka at nakahiga. para magcirculate yung dugo. Ganun lang ginagawa ko, tamad kasi talaga ako maglakad at ayaw ko ng monggo pero hanggang ngayon wala pa ako manas.

iwas lang po sa mga MAAALAT na pagkain at SOFTDRINKS po .. at wag laging naka baba yung paa .. pag matulog ipatung nyo po paa nyo ☺

Ala mamshie ingat po sa manas ... Sa akin naman i am on my 38 weeks and 2 days Na pero ngayun palang lumalabas talaga manas sa paa ko...

VIP Member

Elevate nyo lang po yung paa nyo everytime na nakaupo kayo. One time palang ako namanas 4mos. now 7mos. na tyan ko bute hindi na naulit

Babayd mo yan paa mo mommy sa maligamgam na tubig na may asin tapos itaas mo yun paa mo bagu matulog khit 5min lang tas baba muna rin

VIP Member

Umiwas sa maasim na pagkain at itaas ang mga paa pag matutulog ganyan po ginagawa ko kaya hindi ako minamanas. 35 weeks and 5days napo ako

VIP Member

Lagi niyo pong Itaas ang paa niyo Mommy everytime matutulog kayo. More water, less salty food. Godbless mommy!