Kelan po kayo nagstart bumili ng gamit ni baby?
Kelan po kayo nagstart bumili ng gamit ng baby? Ilan pairs po kaya ng clothes? At bottles, etc.. Thank you po 🙂 #firstbaby #pregnancy #1stimemom
Nagstart ako nung kakalaman ko at 6 weeks 😂 Inunti unti ko para hindi biglaang gastos. Ang ginawa ko was 8-10 pairs ng tiesides and pajamas para may damit siya pag nilabhan yung iba. Pero may kaunti na akong onesies at frogsuits na nakatabi. Hindi masyadong marami kasi mabilis lumaki ang baby. At 3 mos, maliit na sa baby ko mga NB at 0-3 niya. Move on na kami sa 3-6 mos na clothes. Hindi rin ako bumili bottles hanggang kinailangan kasi talagang pinilit ko na breastfeed si baby. Part of breastfeeding kasi is tiwala sa sarili hehe Nagstock na ako though ng cotton balls, alcohol, baby cotton buds, baby wash, etc. Binili tuwing sale 😂 Pati diapers pero hindi super dami kaagad kasi baka hindi magkasya.
Magbasa pa
Mum of 1 smiley poop machine