Working Preggy

Kaway kaway sa mga working preggy momsh! 29w6d na ako napasok pa rin sa work kahit tamad na tamad na. Ang bigat na kasi ng tummy ko masakit na rin sa balakang. Work pa rin kasi kailangan parin kumita ng pera hindi kasi kakayanin ni lip kung sya lang mag isa, kailangan magtulungan.. sa ibang working preggy jan? Ilang weeks na kayo at ano na feeling nyo ngayon??

274 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

31 weeks pregnant. Still working padin. Kahit hirap na hirap kna mag lakad. Ang uwe ko pa 10 pm ng gavi. Ilang weeks naba dapat tyan mo bago ka mag leave

Magbasa pa
5y ago

Hindi ko nga rin alam mamsh. OB natin ang magsasabi kung kailan tayo dapat mag leave na..

Graveyard shift ako and 38weeks na ko maternity leave. 39 weeks na ko ngayon. Tiis tiis lang talaga. Kaya mo yan momsh kahit nakakangalay sa likod ahahaha

Ako hangang 36 weeks ako bago ko nag bakasyon and now 38 weeks 2 days na and hoping makaraos na sa panganganak kasi mabigat na talaga si baby hehehe

36 weeks and 4 days still working. Balak ko tapusin itong month na toh bago ako magleave, kya hanggang 39 weeks ako eh magwowork pa din ako...

16 weeks, working buti nalang wfh pero nakakatamad pa din tas paiba iba ng sched. Gusto ko nalang matulog ng matulog haha pero need magwork e. 😂

Saludo ako sa inyo mga mamsh na kaya pa magwork, ako work from home na simula 27weeks, di ko na kaya matagtag sa byahe from Imus to Alabang. 😂

6 motnhs me .going 7 months na..still working parin. Exercises nadin..pag sa bahay lang kc more kajn at higa ako hahahaha and sayang sweldo 😄

32 weeks and 1day... Working pa din... Sobrang bagal q n nga naglakad at umakyat ng hagdan... Panay pa ang ihi ng ihi kahit nsa work.. Hayss...

Hello mga working mamsh!! 36 weeks here 🙋, still working 😁 But last day kuna bukas. Hirap na kasi mag commute at maglakad ng malayo.. 😅

VIP Member

31 weeks here and 4 rides ako papuntang office. 2 hours byahe papunta, 2 hours pauwi. Buti na lang di ako maselan at strong si baby. Hahaha

5y ago

Sana ganyan din ako 😢🙏 kaso... Hndi, bgc to makati lang hrap pako sa byahe kakalungkot 😕😔