Naniniwala ba kayo mga mii sa sinasabing "kambal dugo"?

Kasi nung shinare ko sa ate ko nung paglabas ng dugo ko nung nananakit puson ko, sabi niya kambal dugo daw ako. At masakit daw ito. Kasi nauna raw dugo lumabas intead na yung panubigan. Gaano po ba ito katotoo? Since first time mom here, medyo na kakatakot isipin yung gantong mga beliefs. Iniisip ko rin na baka kako pag manganak nako, maubusan ng dugo🥹 dahil sa lumalabas na nga ito saken. #January28edd #firsttimemom

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kambal dugo rin yata tawag sa nangyari sakin. nung pumutok naman ang panubigan ko, sobrang dami rin ng sumabay na dugo. pagkatapos, sobrang sakit na ng labor ko. buti na lang after almost 7hrs nakaraos din.