body shaming! naglabasan ang mga bida bida!

Kapapanganak ko lang ang dami ng pabirong pintas? Di naman kamuka ng katawan ko ang katawan ng ibang tao na pagkapanganak payat agad sila. Sana ganun lang kadali ibalik yung dati kong katawan no? Sana ganun kadali mawala ang naiwang stretch marks, bilbil, lawlaw na balat. Ginagawa naman ang lahat para maiayos ulit ang katawan na naiwan kapalit ng isang malusog at magandang sanggol. Pero bakit may mga taong di marunong magtikom ng bunganga? Kinaganda ba nila yun? Kailangan ba agad agad? Gustong gusto ko naman talaga ibalik ang dati pero at the same time hindi ko pababayaan ang baby ko. pero sana wag ako madaliin! Kung di lang ako nagka pcos eh di sana payat pa din ako at di ako nahihirapan ng ganito pagkapanganak ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mas maging proud ka pa po. Hayaan mo sila, wag kang magpapaapekto. Dahil yung resulta ng katawan natin after manganak ay pinaghirapan natin at sobrang worth it ☺️ may mga tao talaga na ganyan. Kaya hayaan mo sila mapagod kakapintas sayo basta ikaw at ang baby mo ay healthy ☺️

4y ago

Kaya nga hahahaha