pa check up kaagad kayo ma'am sa ob niyo.nakaranas ako Ng ganyan spotting first but after 5 days nanganak ako 4 months but Wala Ng Buhay.. 1st baby ko sana un. answered prayer un Ng prayer ko but kinuha kaagad sa akin. last July 22 lng un nangyari. on time kaagad ako noon pumunta sa hospital kahit anong inom Ng gamot para ma safe siya.. Wala eh
diretso agad er mamsh, kahit sa public lang. wala naman bayad dun maliban sa laboratory. hindi kasi dapat balewalain yan e lalo nat 5months ka palang. ako nga nagkaganyan din kahit walang pera pumunta agad kami sa er bahala na basta safe lang kami dalawa. baka kasi nag oepn cervix mo kailangan malaman ng doctor bat nagkaganyan.
Based on your past post, mababa ang placenta mo. It could be your cervix opened a bit kaya may blood stain. See your OB asap for proper medication. Gawan ng paraan mi before it's too late. Don't wait for other mommies here to tell you they also experienced the same and it's okay at nawala din. Every pregnancy is unique.
You should go to the ER na mi sa nearest hospital. Delikado po iyan baka amniotic fluid na po iyan yung sinasabi niyo po kasing symptoms ng pagsakit ng tyan baka early labor na po. Wag po ipagsawalang bahala mi. Ingat po at sana okay kayo ni Baby 🙏🏻🥺
Same din sakin, pinagkaiba lang wala namang dugo na lumabas . Nagpacheck up ako at sabi may infection ako at malambot na cervix ko, 27 weeks pregnant . Pag di naagapan, pwede mg cause ng pre-term labor. Pinabedrest ako ngayon, suppository tsaka pinainom ng Progesterone o pampakapit.
Naexperience ko din po yan nung isang araw lang yung parang napupupu ako pero hindi ako maka pupu tapos bigla po ako nilabasan ng white mens na medyo brown, kinabukasan nagpa check up po agad ako ayun niresetahan po ulit ako pampa relax ng matres for 1 week. Pacheck up kana po.
wala naman pong bayad ang magpa check up sa public,at kung my mga laboratory man na gagawin marami na ang malalapitan,, mi isipin mo ang kalagayan ng anak mo kesa iisipin mong wala kang pera kasi kung gusto mo po talaga marami pong paraan .diretso kana er para safe si baby
Sa health center ka po mag pa check kung wala pa budget. or sa mga lying in clinic na mura/donation lang ang ibabayad. Mag bed rest ka din po muna, wag din magpaka stress. Yung mga nararamdaman nyo po, labor po kasi yun eh kaya delikado.
mag pa check up kana mi, ako nung konti nga lang yung spotting dalawang patak lang basta may nakita akong dugo di ako nag dadalawang isip pumunta kay OB kahit na sabihin ng biyenan ko na normal lang yun wala yun di ako nakikinig
Hnd normal ang kht ano pagdurugo sa buntis you should go to the nearest hospital.. Signs na baka nag PRE TERM LABOR ka.. Ganyan din ako nun.. Kaya inadmit ako sa hospital. Isipin mo baby mo lalo nat 5 mos palang yan
Tere Caranog