Breastfeeding tips

Hello. Kakapanganak ko lang nitong apr 9. Gusto ko talaga i-pure bf si lo kaya lang wala ko gatas paglabas nia kaya nung ika 2days nia binilihan na namen ng bonna kase stressed na ung nanay ko pag naiyak si lo kase walang madede saken. Ngaun meron na kong milk pero super konti lang nagpump na din ako wala pang 1ounce ung nakukuha ko pero cont ko pa din pinapasupsop kay lo tas nagdede din sya ng formula while waiting na dumami lumakas ung gatas ko. Super sakit na ng nips ko any tips pampadame gatas at hindi sumakit ung nipple? Thanks #breastfeeding #ftm

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung decided ka po talaga na EBF si baby, tanggalin mo po formula milk mo. Hayaan mo lang sya mag latch sa 'yo. Wag ka po mastress kung sa pump mo ay kaunti lang nakukuha mo, kasi maliit pa naman po stomach ni baby. Kain ka po ng pang-boost ng milk gaya ng masasabaw na ulam like tinola. Pwede ka rin uminom ng M2 tea drink, effective yun sa akin. O kaya pwede ka rin uminom ng malunggay capsule. Huwag ka po ma-stress, think positive na marami ka milk. Sa nipples mo po pag nagsugat i-air dry mo lang, as in pahanginan lang po at tuloy lang po pagpapadede. Pwede ka po mag-join sa fb page ng Breastfeeding Pinays para marami ka matutunan at pwede ka magsearch sa youtube. Kaya mo po yan 💪.

Magbasa pa