Napatunayan

So kagabi nag away kame ng asawa ko. Tinatanong nya ako kung ano na bang napatunayan ko sa buhay ko. As a first time mom, masakit marinig yun. Nagtatrabaho at the same time nag aalaga ng anak (WFH). Nag labor ako ng 3days. Nanganak ng normal. Napatiran pako ng ugat sa mata. Naka depo ako ngayon at araw araw sumasakit ang ulo, balakang at puson ko. Lahat ng hirap nasa akin. Ako lahat sumasalo. Tapos tatanungin nya ako kung anong napatunayan ko sa buhay? Need ko ng advice nyo. Gusto ko nang sumuko talaga. Nakikipag hiwalay nko sa kanya pero ayaw nya. Sinasabi lang nya na kailangan nya ko pero never ko narinig sakanya na kaya ayaw nya na maghiwalay kame dahil mahal nya ako.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ano pong pinag awayan nyo na umabot sa point na nasabihan kayo ng ganon ni hubby? Paggalit po kase tayo minsan may mga nasasabi tayong di natin minimean. At di solusyon amg pakikipaghiwalay kaagad agad lalo pa’t may baby kayo. Pagmedyo kalamado na po kayong dalawa pag usapan nyo po ng ayos ang issues para po masolusyonan.

Magbasa pa