Advice para sa kabit kong friend.

Kabit Ang friend ko. Humingi siya payo pero wala ako masabi sa ngyari,Mali din niya kaya nagkanda letse letse buhay niya eto po ngyari. Naging kabit siya ng medyo may edad na lalaki at may asawa, wlang anak at ang Sabi sa knya hiwalay na sila, as usual Hindi pala , eto na nga nabuntis Ang gaga, nalaman ng asawang babae at balak n silang idemanda, natakot Ang friend ko at nakiusap pero Ang condition mapupunta sa knila Yung batang ipapanganak nya at Hindi na sya mag papakita, lahat gastos ng mag asawa, ayaw niya pero hindi rin kayang buhayin ng kaibigan ko baby at mahirap lng sila Hindi kayang buhayin ng magulang Niya siya at yung bata kaya iniisip n niyang I let go, ano tingin niyo?

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sino po ba yung ina dapat po andun yung bata at pede dalawin ng ama pero kung mawawalan po ng karapatan yung ina una palang iba na po yan.. pakatatag po alam ko pong matatag yang friend mo kasi bago sya mabuntis madami na po sya napagdaanang pagsubok simula ng pinasok nya yan. pray lang din po kay God. 😍

Magbasa pa
VIP Member

wow. ang hirap naman ng sitwasyon niya. syempre ayaw naman ng kahit sino na mahiwalay sa anak. pero kung hindi talaga niya kayang alagaan ang bata kahit na magpakahirap siya, better nga na palakihin na lang ng tatay. pero sana isipin niya muna lahat ng option bago niya i-give up ang bata.

kahit anong hirap matustusan at matustusan parin yan hindi lang cya ang nag hirap maraming iba jan pero nagawang mpalaki ang anak. Blessing na yan ni God kahit gnyan situasyon niya wlang sinumang pwding kumoha sa bata kung walang pahintulot ng ina keep the baby at your side😇

Karapatan nung kaibigan mo na sa kanya ang baby.Kasi sya ang ina. Itong lalaking nakabuntis naman sa kaibigan mo marapat ma bigyan sya ng sustensto. Biktima lang yung kaibigan mo sa manlulukong lalaking iyon!

Karapatan nya pong humingi ng sustento kahit nasa kanya ang bata. Yes, the legal wife can sue them pero she can sue the husband kung hindi magbibigay ng sustento.

VIP Member

Blessings ang baby. wag nya ilayo sakanya ang bata. Walang kasalanan yun baka alipustahin pa yun ng tunay na asawa. Kabit sya so panindigan nya ang consequence.

At kailan hindi maging issue ang pag kabit nya dahil may baby na?? Lage ako nananuod nang rtia at malaking ksalan ang ginwa nila sa side nang wife.

mas ok kung ibigay nalang nya yung baby sa kabit niya para mas mapabuti pa ang buhay ng anak niya kesa naman i let go niya kawawa naman walang malay

baby nya yun hindi dapat papayag ang friend mo na kunin ang baby nya. hindi aso or pusa ang baby na pamimigay nalang sya ang nagbuntis

para sakin kung ako nasa kalagayan nya aakuin ko anak ko kahit mahirap lang kami. karapatan nya yun na mapunta sknya ang baby.