218 Replies

Sa mga mapanghusgang tao, oo. Which is kadalasan ganun ang mga matatanda dito sa Pilipinas, kada galaw issue. Para sa kanila may mga bagay na dapat ganito ang gawin, pag naiba, masama tingin sayo. Isa na dyan ang pag tayong Single parent. Pero napagiisipan ko lately, di naman mahalaga ang sasabihin nang iba. (Nasa point ako nang life ko now na naiisip ko narin kung mag Single parent ba ko or magtiis sa Daddy nang baby ko). Di mo pwede pwersahin magwork ang relasyon sa ama nang bata, kung marami nang Deep issues na unresolved. So payo ko lang momsh, timbangin mo mabuti mga bagay bagay. Kung talagang irreversible na, go be a single parent. Hayaan mo ang mga judgemental na tao dahil hindi sila ang bubuhay sayo at sa anak mo. Puro lang sila comment dito, comment doon hanggang doon na lang sila. Lakasan mo loob mo at seek moral support and emotional support from your family. Makakaya mo yan pag nag tulungan kayo nang family mo. It takes a lot of guts and great deal of courage to stand as a Single parent. 😊

Nope hindi kabawasan ito, bagkus nadodoble pa nga ang role mo, "ina at ama" sa mga bata. Sa sitwasyong nabanggit, dito nasusubukan ang tatag ng isang tao, sa kapasidad niyang magmahal at maglingkod sa mga anak sa abot ng kanyang makakaya. Titiisin ang hirap na may kaakibat na sakripisyo lalo sa mga pansariling "nais" o pangangailangan. Walang nakakahiya o dapat ikahiya ang isang single parent. Ang pagharap sa habangbuhay na responsibilidad ng mag-isa o walang karamay sa buhay ay hindi madali, pero pag nakikita mong masaya, walang karamdaman at lumalaking tama ang bata, lahat ng pinagdaanan mong hirap ay balewala. Lumapit at humingi ng gabay ni Lord lagi, sa bawat desisyon at aksyon na gagawin. Wag mahihiyang humingi ng tulong sa sariling magulang kung kinakailangan. Maging magandang ehemplo sa mga bata, wag turuan ng "negativity" o siraan ang kanilang ama/ina, hayaan lang sila na maisip nila ang mga bagay-bagay o magtanong sayo. Mag-enjoy lang. Sulitin ang bawat oras na makakasama ang mga bata.

VIP Member

Definitely not. But at first i thought na may mali sa akin na hindi ako pinanagutan ng lalakeng pinakamamahal ko but as days go by realizing thay my Lord never abandoned me and seing my child growing up healthy and very jolly it made me realize na being a single parent is never an issue anymore. There will always be a judgemental world its part of our lives but why would you mind them if you're doing your part to be a good mum and dad to precious one. I salute my fellow single mums and dads out there.

hindi ako single parent, sa pagbubuntis ko ngaun maliban sa asawa ko anjan parents ko para iassist ako sa bawat araw n ngdadaan mahirap sobra ang pinagdadaanan natin mga buntis sobra. dati nega ang tingin ko sa single parents pero ngaun nararamdaman ko ang hirap kaht n my kaagapay ako sa buhay. kng ako kaya na hirap na kaht my asawa ung mga single parents pa kaya na doble ang pagod at hirap nla, kaya masasabi ko na saludo ako sa inyong mga single parents na patuloy lumalaban para sa ikabubuti ng inyong anak.

hindi naman. May mga bagay na mas magandang di mo na lang ipilit kasi masasaktan ka lang, eventually pati anak mo. like alam mo nang wala syang wenta pero gusto mo ng buong pamilya para sa anak mo e ikaw lang magssuffer and worst baka magaway lang kayo ng magaway. kawawa naman si baby, baka pati sya maadapt yung situation nyo at maapektuhan. (opinion) I salute those single parents kasi napaka strong nila. ginawa nila un para sa anak nila. yaan mo na ung walang wentang partner, dagdag stress lang yun!

For me NO! Mas nagiging matatag ang isang single parent, kasi sya lahat nag po provide ng mga needs ng mga anak nia and hindi madali ang maging isang single o solo parent, nanay ka na tatay kapa.. at pag napalaki mo pa ang mga anak mo ng matagumpay at naging isang mabuting tao sila without any help ng tatay nila,believe me hahangaan ka ng mga taong mapaghusga at higit sa lahat hahangaan ka ng mga anak mo dahil pinalaki mo silang maging isang mabuting tao.

Ang masasabe ko sa mga nanghuhusga sa mga single parent kapag pumasok sa isang relationship napaka toxic po ng pag iisip nyo purket may anak at walang asawa nakakabawas na ng pagkatao? PFT! Mas strong ang mga single parent dahil d lng isang role ang kaya nilang gampanan at d lang pag alaga ang responsibilidad nila pati ang kumayod mabili lng mga pangangailangan ng anak nila. Sigh 😐

big NO..not bec.single parent ka mababawasan na ang pagkatao mo..single parents are the most strongest person.yung sinabi ni senator sotto na " na ano lang" kapag single.lahat kami na single parent laht may story behind it kaya hinayupak sya para sabihin na na ano lang kami...ang realidad maraming mapang husga without knowing the story behind it and thats suck...

nope po. 😊 nag break kami ng bf ko without him knowing na pregnant ako. kasi nung nalaman nya na delayed ako, halos magkandarapa sya painumin ako ng gamot wag lang daw matuloy yung pregnancy. i told him na ininom ko yung gamot kahit di naman just to make him stop. gusto ko buhayin si baby kahit wala daddy nya sa tabi ko. ❤️

definitely not..mas nakakaproud yung single parent ksi nagagawa nla khit magpakatatay at nanay sa mga anak nla..madami clang challenges sa buhay at sa pagiging magulang na mag isa nlang knakaharap..single mom ako ng 3princesses at khit kelan dko kinahiya un..khit anong sabihin ng iba dedma lng..always pray lng and ask for guidance from God ^_^

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles