regrets

jusko ang hirap mag alaga ng baby . lalo na pag ayaw matulog .. minsan naiisip ko parang mas okay na maging good provider ka nalang kysa sa mag alaga .. ?

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mommy, valid naman ang ganyang feeling kasi overwhelming talaga especially for FTMs. Before getting pregnant, naiinis ako sa mga kilala kong mommies na naiinis halos sumigaw at umiyak sa inis pag di mapatahan ang anak pero nung ako na ang nasa sitwasyon, narealize ko na ang hirap talaga. Maswerte na lang din ako na may maayos ako support group ang family and friends ko. Part ng journey natin as a mom ang mastress, mapaisip ng what ifs, magtanong, mainggit, magcompare kasi lahat yan part ng struggles natin na magpapatibay sa atin as a mom. Lahat yan, malalampasan mo and when you do, makikita it's all worth it. Mahirap maging nanay pero masaya, fulfilling.

Magbasa pa
VIP Member

Wala ng hihirap pa sa isang ina. Yaya, tagalaba, tagaluto pa. Ako din nasisigawan ko nalang anak ko. Pero pagkatapos niyayakap ko sya at hinahalikan. Okay lang mapagod tayo momshie. Ganyan talaga. Iniisip ko, sana buhay pa mama ko para mapasalamatan ko sa pag aalaga sa akin, sa aming magkakapatid. Ngayon ko sya sobrang na appreciate. Pero sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ko bilang first-time mom, sobrang sobra yung happiness na dala ng baby ko sa akin. Sa amin. ☺️

Magbasa pa

Habang baby pa ienjoy mo pag aalaga pag laki nya hnd mo na makikiss ang kasingit singitan nila😅 ganun tlga pag baby monthly mag iiba ang mood nila tyga lng tlga lalo na yung halakhak ng baby nkakatanggal ng pagod.. 😍 ako 5 anak ko kinaya ko kht minsan medyo naiinis na dn ako kce makukulit pero ngtitimpi lng ako😅 naiisip ko dn naman pag laki nila dna sla ganun mga kalikot natural na sa mga bata na mkukulit pagssbihan lng pag may maling nagagawa na sla.

Magbasa pa
VIP Member

Thats natural to feel sometimes..pero once na makita mo smile ni baby nakakawala ng pagod,stress at nakakakonsensya na naiisip mong nagsisisi ka... tao lang din kc tayung mga mommy na napapagod din talaga... kaya try to have a rest po ask your hubby or parents to take care even for a day and have your me time to relax atleast twice a month...

Magbasa pa

natural na mahirap magalaga ng baby lalo na pag fussy..ako kay LO ko mnsan npipikon dn ako lalo pag sa gabw ayaw matulog at panay iyak na hndi mo na alam kung ano anv gusto..pero ganun tlga part of being a mom at pag nanay ka kahit gano pa kahirap yan nkakaya mo para sa baby..pag lumake sila mamimiss dn naten na baby palang sila..

Magbasa pa

wag npo sana mag reklamo mga mommy yan po ang obligasyon natin s mga baby natin wla po tyo karapatan mag reklamo dahil ginusto naman natin magka baby..ganyan din cguro naramdaman ng mga magulang natin noon...ngayon tyo n nkakaranas kaya be patient magsisilaki din cla mabilis lang ang panahon mga mommy

Magbasa pa

Momsh you're blessed po to be able to take care of your baby. Yung iba po walang option kundi magtrabaho at ipaalaga sa iba ang baby nila. Swerte ka dahil masasaksihan mo yung milestone ni baby. Malalagpasan mo rin yan momsh. Lilipas din yan at makakaraos ka din. 😊

Minsan pumapasok din sa isip ko yan. Pero this is reality ehh tsaka look on the bright side. Habang lumalaki baby mo may mga characteristics ng nade develope kay baby na tyak aabangan mo dahil nakakatuwang ikaw ung unang nakakakita ng iba't ibang phase of growth ni baby

5y ago

slmat po sa positive advice

baliktad naman tayo. Sana pwede dn na ako ung mag alaga kay baby. 😓 patapos na ang 4mos. leave ko, kailangan ko na bumalik sa work pra sa mga anak ko. kung may choice lng ako, gusto ko sna ako nlng mag alaga sknila pra masubaybayan ko pglake nila.

Pinagdaanan ko din yan. Pati si LIP nastress na gusto na painumin ng cough syrup si baby. Pero ngaun tulog naman ng tulog kaya pag gising sinusulit ko talaga laruin and panggigilan.