My miracle baby

Kiana Grey Sinamban Abarro 39 weeks and 1 day 2.9kls June 04,2020 @ 2:47 am via Normal Delivery Edd: June 10 Dob: June 04 Share ko lang. June 01 nagspotting ako at medyo nakaramdam na ng labor. June 02 nagstart na sumakit puson ko ng sobra. Pumunta na kame clinic lying in. June 03 andon pa din kame lying in. Kasi sobra sakit talaga ng labor grabe. 12 am di ko na mapigilan na para akong taeng tae at ireng ire hanggang sa 12:30 na pumutok na panubigan ko pumunta na ko delivery room kasi nag aayos palang mid wife dahil nga kagigising may muta muta pa. Pagkahiga ko tuloy tuloy na labas ng tubig ko. Tapos after a while nakita ng midwife 'ay naku footling' to ang narinig kong sabi niya. Suhi daw. Nauna paa niya. Naiiyak na ko sa sakit kasi sabi pigilan ko daw pano ko pipigilan kada hilab niya sarap umire. Tapos pinipigilan niya labas ng paa ng anak ko nararamdaman ko kasi natutulak e. Tapos katagal bago may sumagot sa call kasi nga madaling araw wala pa sasakyan sabi pa emergency cs na daw ako non. Hanggang sa lumabas na tuluyan isang paa niya. Nilagyan na ko ng diaper. Nagtawag na sila ng sasakyan. Ala una na siguro non wala pa din masakyan. Naiiyak na ko kasi di ko na alam nangyayare gusto ko safe pa din si baby ko. Pinahiga ako left side para di tumuloy kasi katagal ng sasakyan.. Di ko na alam nangyayare basta nararamdaman ko lang pumapadyak siya at natatakot na ko baka mapano na baby ko. Dumating trike hinatid kame malapit sa hospital. Pero di kame tinanggap kasi wala doctor daw katagal pa nila nag usap. Ambulance ang naririnig ko kasi napapapikit na ko sa kada hilab ng tiyan ko. Pero ayaw pa ata nila ipa ambulance ako emergency na nga. Ininterview pa ko sabi ko sa isip ko 'tangina makaramdam naman kayo' di na ko makapagsalita sa hilab ng tiyan ko. Kaya sinakay na ko agad. Katagal pa ng biyahe kahit ambulance na kada tagtag ko sa sasakyan dumudulas siya sumasabay sa paglabas ng tubig kaya dalawang paa na niya nakalabas. Pagdating sa delivery room for cs na kaso wala pa doctor katagal may 30 mins na ata ako nakakayang don kaya naipit na siya sa pwerta ko hanggang sa tuloy tuloy na hilab ng tiyan ko tuloy tuloy na labas ng tubig ko sumasabay siya nakalabas na isang kamay niya kaya alam ko pinunitan na ko hanggang sa ulo nalang ang natira inire ko kaya lumabas na. Tinakbo nila agad nilagyan ng oxygen kasi hindi umiiyak. Maya maya lang papikit na mata ko umiyak na siya pero di normal iyak niya. Nakainom na pala siya sa panubigan ko napagod daw siya sabi ng pedia niya kasi na stack siya ng ilang oras saken. Wala pa din doctor ko non. Hanggang sa nakita ko nilabas na baby ko. Tanong na ng tanong mga tao sa loob bakit daw di ko alam na suhi si baby. Bakit di daw ba ko nagpa ultrasound. Kako sa kanila tatlong ultrasound ko po cephalic lahat nakalagay. IE po ako ng midwife 2cm na kaya akala ko wala problema. Hanggang dumating doctor tahi nalang ginawa saken. Swerte ko daw kasi nainormal ko si baby. Nagising na ko umaga na talaga mga 7 na ata. Don na ko naiiyak kasi di ko na alam lagay ng baby ko. Awa ng diyos okay naman daw siya. Umiyak na ng malakas. Pero naka oxygen pa. Dumating asawa ko nailipat na ko ng room. June 05 dumating doctor ko actually tatlo silang doctor ko refer refer nalang nangyare kasi di agad makapunta kasi malayo kaya sa mas malapit na doctor ako nirefer. Kung wala siguro action yong midwife non baka napano na kame ni baby. Natakot silang galawin ako kasi delikado nga daw. Pero imbes ako mahirapan yong anak ko ang umako. Ayaw niya ko macs kaya talagang lumabas na siya normal ngayon siya ang naghihirap pero lumalaban siya. Naisusuka at naitatae na niya lahat sabi ng pedia niya. Pero admit pa din siya 7 days. Pero yong pakiramdam ko kinakaya niya e. Di ko alam pero lumalakas loob ko pag nakikita ko baby ko kahit picture lang. Di pa namen nakita personal kasi naka dextrose pa may oxygen pa nakakabit. I need your prayer para mailabas na namen si baby. Kahit ubos na ang ipon may awa ang diyos alam ko di niya kame papabayaan. ?☝? Iloveyou anak. Tumutulo na din gatas ko sa dede ko. Everytime maiisip kita naeexcite ako mahawakan ka sa kamay ko. Ayoko pang hinaan ng loob kasi baka maramdaman mo din yon. Sobrang blessed kame sayo anak sobrang strong mo kahit nasa tiyan palang kita. Kaya kakayanin naten to ha. Love ka namen ng daddy mo. Gagawin namen lahat ng paraan maging okay ka lang at makalabas ka ng malusog at wala ng sakit pa. Thank you lord. ?☝??❤?‍?‍?

My miracle baby
124 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakakaiyak at nakaka-proud kayo pareho mommy and baby ❤️❤️ Ang strong ng baby niyo mamsh sobrang galing niya ❤️ Salamat po sa Diyos at ok kayo pareho ❤️❤️ Update mo kami dito Mamsh nakakabilib talaga ang kwento niyo ❤️❤️