Hello baby! kaya mo yan!! 🙏💓 June 1 nanganak ako mumsh, 4.30 am palang labas na ng labas panubigan ko. 5am nasa hospital na kami ni hubby. di pa ko agad naasikaso ng hosp. na pinag papacheck upan ko. wala akong idea kung ok ba kami ng baby ko (FTM,) kalma lang ako non, kase walang masakit sakin. pero ang diaper ba sinuot ko mapupuno na kakabulwak ng tubig.. inabot na kami ng 6.30 sa hospital na yon,. sasabhin lang wala ob ginawan kami referal. ayun hrap sa transpo close cervix pa ko. tapos ang panubigan ko tuloy tuloy agas with blood un mumsh. then nag decide ako na dun nlng pumumnta sa hospital na same city namin tas dun dn na cs pinsan ko... pag dating don Ie sakin 1 cm.daw. bakit daw d ako inasikaso delikado na daw mauubos panubigan ko. sabi ko wala po sila cnabi. bsta wala pa daw ung ob lipat na daw ako. kase para ma check ako. ayun. deretcho lab test ako. napaka swerte ko sa ospital nato. maasikaso. walang sayang na segundo. after test. deretcho labor room. 8 am. 1 cm padin... 12 noon. 3cm .na dasal ako ng dasal mula malaman ko na delikado inisip ko ung cnbi ng ob. pinanghihinaan ako loob pero nilabanan ko. ..
ginawa ko [ng usual namin ni baby, kinakauspa ko sya same things na sinasabi ko parate,
"baby! :) db strong tayo! mula nung nakita kita sa unang ultrasound, alam ko strong ka eh. lakas lakas nga ng una mong heartrate. 177! oh db. kase lab ka ni papa jesus... tapos lab ka pa ni mama.. galaw ka nga baby kung ok kalang jan..... ? kamusta kana? wag mo intindihin ung iyak ni mama, masakit lang puson ko eh. hehehehe. iyakin si mama.
(tpos un gumagalaw galaw sya...) sobra na iyak ko. 2pm 6 cm na. (pero punasok doktor need ko na daw emergency cs.) d ko na alam iicipin ko. nagets ko na sya kahit di nya na pinahaba ung sinabi nya. pinirmahan ko na agad ung waver. 3 pm sinalang na ko umpisa nako i cs.. 3.31pm lunabas na si baby lakas ng iyak nya nadidinig ko sila. time of birth 3.31 pm. 2.8 kg. etc... tapos nag mamadali sila. d ko na nadinig ung iyak ni baby lumabas sila. then wala na ko maalala. 7 30pm. nagising ako nasa recovery room ako. tanong ko agad.. nurse san po baby ko?? kamusta po sya??
sabi nya, ay mam, ok kana po? pahinga lang po kayu, ok na si baby, kanina po naka oxygen sya, nahhrapan sya h[minga, pero ngayon ok na po sya, sabay po kayo ihahatid sa ward.. ayun nilabas nako papunta ward 2. nakapikit ako ayoko pakita sa asawa ko na guato ko humagulgol bakit nahrapan huminga si baby, tas maya mya. pinatong na sya sa dibdib ko. nkita ko na sya..... napaka sarap sa pakiramdamm ... ung halos 12 hrs ko na labor. sobrang sakit. delikado pa kami.... all worth it... wala talagang imposible kay lord basta mula noon malakas na pananalig mo sa kanya... d nya kami pinabayaan mula umpisa... puro na ko pag aalala mula nabuntis ako. ibat ibang matter pero lagi ko tinataas sa knya na lord, kaya ko to. gabayan nyu lang po ako .. iiyak lang ako, pero kaya ko to. kase mahal ko si baby... patnubayan nyu po kami ...
🙏💓
eto si baby 2nd day namin sa ospital 💓🙏😉
Rich T