Here's my story😊

July 18 EDD ko pero wala parin paramdam si baby nung araw na yun no signs of labor parin then sabi ng OB balik kmi sa kanya kapag hindi parin ako nanganak hanggang 23 then July 20 ng gabi kinakausap ng byenan ko si baby sa tyan sinasabihan nya na lumabas na kasi hinihintay na namin sya. Pagkatapos namin kumain nagsimula nang sumakit yung bewang ko na parang dysmenorrhea na sakit. 10mins palang yung interval ng sakit bandang 10pm then naging 5mins nlng pagdating ng 1am di na kmi natulog ni hubby kasi sumasakit na talaga sya. 2am ginising na namin yung byenan ko para tumawag ng taxi sana. kaso wala talagang dumadaan na taxi then tinanong nila ako kung kaya ko maglakad sabi ko oo kasi gusto ko na talagang pumuntang hospital mga 30mins yung lakad namin kasi pa hinto2x ako pag sumasakit. Pagdating sa hospital 7cm na pala ako and may lumalabas na dugo. Dinala agad ako sa delivery room kaso mataas pa daw si baby hintayin ko muna daw bumaba 8cm nako nun. Then nag squat muna ako sabay ire kapag sumasakit balakang ko na parang natatae ako. Bandang 4am 9cm na daw ako malapit na daw then ire lng ako ng ire kahit nakatayo sabay hawak sa side ng bed hanggang na feel ko na natatae na talaga ako bandang 7am tinawag ko na sila kasi parang lalabas na talaga. pinasok ako sa delivery room ng 7am then push lang ako ng tatlong beses ayun lumabas na sya at exactly 7:14 am. Sobrang thankful ako kay God dahil di nya ako pinabayaan and kay baby kasi d nya ako pinahirapan masyado sabay lang talaga sya sa pag ire ko.😊 Buti nalang wala kmi binayaran sa hospital dahil covered na lahat ng philhealth ko. Goodluck po sa mga mommies na due ngayong July kaya nyu po yan dami ko rin natutunan sa App na to😊 Samarah Elise Escobin 2.84 kg via NSD DOB JULY 21, 2020

Here's my story😊
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply