Tandaan! Mahalaga ang #First1000days
Ito yung mga araw magmula ng ipinagbuntis ang isang bata hanggangang sa tumuntong siya ng ika- 2 taong gulang. Sinasabing dito nakasalalay ang development ni baby na maaaring makaapekto sa kanya hanggang sa kanyang paglaki. Kaya napaka halagang pagtuunan natin ng pansin ang pagbibigay sa kanila ng tamang nutrisyon at tamang pag aalaga sa kabilang first 1000 days. Kasama na riyan ang breastfeeding. Alam nating ang breastmilk ay siksik sa sustansya na sapat para sa pangangailangan ng lumalaking baby. Bukod dito, mayaman din ito sa antibodies na nagpapalakas ng resistensya para makaiwas sa sakit at impeksyon.
Maging una na mag-reply