BEWARE!!!!
Ito talaga gusto ko ishare dito nung minsan pa kaso nadelete yung isang nagpost tungkol dito. Buti may isa ulit post na nagviral about dito sa photo liking contest. Share ko lang sainyo mga mommies sana maging aware tayo. #theasianparentph #sharingiscaring photo grab from FB.
para po saken. ndi naman cgro scammer yan. kumbaga. parang raffle din naman po yan. may tubo din ang raffle. yan lang cgro ang paraan nila .. matagal naman na may pa liking contest. before ecq pa. wala naman po nagrereklamo... nasa atin naman po yun kung isasali ang anak ntin.. meron kasi iba na nagpapa like na napapasok s ads ang baby.. wag sana natin ijudge agad ang mga gumagawa nito... opinion ko lang po...
Magbasa papara sa akin wala Naman msama na may pacontest na tulad nyan.Di naman kayo obliged na sumali ng gnyan.Depende nLng yan sa inyo.Ang mga na eenganyo na mga sumasali as per experience lng yan or source of entertainment.Wag nmn din kayo pauto dapat you need to stalk first or investigate para di ma scam.
Magbasa payes, kaya po by posting that e maging aware ang sang kainahan na dapat mausisa hindi yung sali ng sali. good thing din po na nagiging viral ang ganan dahil maiinform ntn ang iba
yeah! nung nainvite ako jan nabasa ko din yang reg fee at prizes. sabi ko.. mag pa photo liking contest nadn kaya ako mas maganda kesa sa raffle.. pero since mura na ang 100 syempre madami papatol d nila alam ang yumayaman talaga ay ung page admin.
Usong uso po ngayon yan.. sa hirap pa lalo ng buhay, talamak ang mga manloloko,scammers, etc.. syempre di naman natin masisisi yung ibang mga parents, nagbabakasakali na manalo, pero dapat maging aware po tayo, mapagmatyag, mag search, mag ingat..
Kakapanood ko lang kahapon kay Raffy Tulfo about sa isang mommy na nagreklamo about sa isang page na photoliking contest. Madami talaga nagsulputan ngayon na mga ganyang contest.
haha onga parang nagpapataya lang sa color game eh noh..kahit yung mga nagpapa-raffle kuno for adults naman na P50.00 lang to register tas may anik anik lang na prizes 🤦♀️
yes, unang kita ko talaga sa mga ganan e duda na ako e. hilig kasi ako magcompute gawa ng mga sale na diaper ni baby 😂 kaya ung prizes sa mga ganan hndi yun nakikita ko, ang napapasin ko ay yung easy money nila. lalo na yang photo liking contest biro mo nga naman mangungulit ka lang ng magulang tapos easy money kana, di naman mahirap magorganize lalo na't via FB lang pindot klg ng pindot at lista ng lista dami mo na cash 😂
Kaya nga never ko sinali anak ko dyan, Buti sana if walang bayad. Eh mukhang pinagkakitaan lang talaga mga bata. Kaloka!
Kaya nga sis. Okay dn palang negosyo yun nu 😅. Ngayon ko lang nagpag isip isip na tama ang kutob ko. Mas madami pa ngang prizes yan e. Yung iba nga mas maliit pa dyan. Ay Grabe.
Ninja moves mga inay! Easy money sa nagpapa photo contest pero its your own choice parin yan😊
beware nlng po tayo sa mga scammer.. Mrami na yan sa pnahon ngayon..
Yung pamangkin ko nakasali sa ganyan tapos nag bayad ng 100
Mom of one gorgeous baby girl