Sustento, need advice po.

Hello! Itatanong ko lang po kung ano pwede kong gawin, yung tatay po kase ng baby ko ay nag-aaral at hindi rin po sila nagsusustento. Last bigay po nung tatay ay september tas 300 pesos lang po. Bago po sya mag-aral tinanong ko sya kung sino magsustento sa bata, ang sabi nya ang papa nya pero wala po kami nakukuha. Ano po kaya pwede ko gawin? Pwede ko kaya sila ipa DSWD? Sabi kase nung tatay ng anak ko kahit san daw kami umabot ay talo ako dahil nag-aaral pa po sya ng college. #advicepls

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

anong gingawa ng pamilya nya? Kapatid ko 17yrs nakabuntis noon kaya parents ko/kami nagsupport sa bata until now 9yrs old na. Ni piso wla kami hiningi sa pamilya ng babae. Kasi samin, Lalaki kaya dpt ang responsibility samin noon. Nung nakapag work na kapatid ayun sya pdin support sa anak nya. Malamang baka wlang pera ung pamilga nya kaya hnd makapag bigay. So the best dyan is mag work ka habang magfile ka ng case sknya.

Magbasa pa
2y ago

edi Go sis kasuhan mo na VAWC

Mommy ngayon palang ireklamo mo na siya kasi bibigyan siya ng letter na palugit kung hanggang kelan siya hindi magbigay. Mas pinahigpit na ngayon sa batas napanood ko kelan lang si tulfo about jan sa mga iresponsableng ama na hindi nagsusustento. At kadalasan talaga nilang reason is walang trabaho ang kakapal ng mukha diba kaya dapat ireklamo mona agad nang malaman niya na may laban talaga kayo

Magbasa pa
VIP Member

VAWC yan mi, pwede mo sila idemanda..haha kakatawa yung father ng anak mo..sabihin mo pagbutihan nya magaral dahil wala nga talaga siyang alam. Dami na ng ganyang case sa RTIA 😆anyways, nasa batas yang need nya magsustento..ilaban mo dahil responsibilidad niya yan.

daan mo brangay then kng ayw nya hmrap mismo brangay n mgsbi sau ipa dswd mo at mismong dswd nmn ang ggwa ng action mi step by step mo kc sa batas ngaun my work or wla in the frst place is responsibility nya un mgsustento no matter what happen

2y ago

mama nyo po mismo nagwowork sa DSWD at nasa mataas na position kaya worried po ako na baka wala rin mangyari 😥

Mi pwede mo yan idemanda. Idaan mo po sa legal. Kahit sabihin nag aaral pa sya, responsibility nya po magsustento sa anak nyo. Obviously hindi nya alam ang batas. Ipush mo na yan Mi. Lapit ka kay Tulfo kung talagang matigas sya.

lapit po kayo sa baranggay nyo. dapat may namamagitan sa inyo na batas. VAWC ata tawag don search nyo po. alam naman ng baranggay yun. Sila ang tutulong sa inyo para masustentuhan ang anak nyo.

If i remember may attorney sa youtube ang sabi nya IF yung tatay nung bata is walang ability na magsustento yung parents nun ang pwedeng liable gaya nb sabi mo nag aaral pa

mgfile ka ng kasunduan sa barangay about sa sustento kapag hindi humarap mgfile kna s police vawc ..meron o wala work kelangan mgsustento atleast nkafile kna ng case

Hinde man kasal or nag aaral pa basta Siya ang pumirma sa birth certificate ng anak eh may karapatan padin po mag sustento yan Siya po ang talo hinde po kayo.

grabi naman yan mi,300 kulang yun diaper lng yan .nag aral din partner ko yung nanay at tatay nya nagsusustento ,lahat na kailangan n baby .sila ang nagbigay .

2y ago

totoo po😥 grabeng pasensya na po binigay ko sa kanila