Sayo din ba?

Isang taon at 3 buwan na ang anak ko. Simula ipinanganak ko sya hanggang ngayon hindi pa rin sya natutulog ng straight sa gabi. palagi pa rin syang dumede sa akin sa madaling araw hanggang mag-umaga. never pa akong nakaexperience matulog ng straight simula inilabas ko sya. ano po sa tingin nyo bakit sya ganun? normal po na ganun? o baka dahil gutom at kulang na yung nadedede nya sa akin. anak ko lang po ba yung ganun? at dahil sa puyat na yan nagiging mainitin ang ulo ko. hay baka may maiadvice kayo sa akin. thank you. #first #First_Baby #firstbaby

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1 year and 1 month ang baby ko, mixed feeding dahil mahina ang bm ko. Pero mas gusto nya dumede saken kesa bote. Kya never pa din ako nakatulog ng straight. Mayat maya nagigising, hinahanap dede ko. Pero kahit di kumpleto ang tulog ko di nmn naging mainitin ulo ko, hehe. Ini-enjoy ko lng every moment. Sobrang thankful kasi namin na nabiyayaan pa kmi ng anak dahil matagal naming hinintay 'to. First and last baby na kya ninanamnam ng lubos ang pagiging ina 🥰

Magbasa pa

Ako nga umabot pa sa 4 years na never natulog ng straight sa gabi. Maliban kasi sa breastfeeding ang baby ko, hanggang sa training ko siya na mag stop ng diaper,talagang tinutukan ko siya. Ganon po talaga ang pagiging isang ina. Hindi natatapos sa umaga lang, 24hrs po tayong working. Hindi talaga ganon kadali maging isang ina.

Magbasa pa

4yrs akong nag pa breast feeding pero di nman umabot sa ganyan na di ako nakakatulog ng maayos halo na kase sya ng solid foods kaya parang pampatulog nlng nya gatas ko

Try niyo bawasan ang pagtulog niya sa tanghali,as much as possible wag niyo patutulugin pag alanganing oras na. Try niyo din bigyan ng pacifier.

VIP Member

Nako ganyan talaga pag breastfeeding. Hehe ginagawa nalang nilang pacifier para makatulog.

1y ago

ay ganun po? hehe ay sya mukang matatagalan pa ang ganitong sitwasyon. hehe thank you po sa reply.