Isa sa mga worries nating mga mommies ang bakuna ni baby. Nakakaawa nga naman makita sila na umiiyak. Pero isipin natin na ito’y nakakabuti sa kanila at ito ay isang mabuting paraan para maprotektahan sila. Naka 3 sessions na baby ko sa kanyang mga bakuna at ito ang mga napansin kong epektibo para mapabuti ang pakiramdam nya pagkatapos:
1. Nandyan ka sa tabi nya.
Kargahin at yakapin ang baby mo bago at pagkatapos ng bakuna.
2. Maghanda ng warm o cold compress.
Depende sa pedia, nirerekomenda nila ang warm o cold compress para hindi mamaga ang lugar kung saan binakunahan si baby.
3. Maghanda ng paracetamol.
Depende rin sa bakuna, minsan ay magkakalagnat si baby. Normal lang iyon. Sa amin, sinabihan kami ng pedia na wag bigyan agad si baby ng gamot kung wala namang lagnat pa. May ibang mga pedia naman na pinapainom na ang baby ng paracetamol bago bakunahan. Iba iba talaga ang practice ng mga doktor. Pero isa ang sigurado ako, nais din nila ang makakabuto sa baby natin kaya’t pagkatiwalaan sila.
#TeamBakunaNanay #ProudToBeABakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #vaccinesforall