teenagemom

Isa po akong teenage mom ano po pwede niyong ipayo sakin?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, I was a teen mom to my 5 year old daughter today. I gave birth when I was 19 yrs old and a 2nd year in college. Panganay ako and I was the bread winner of the family. People look up to me lalo na lagi akong nasa honor roll. LDR kami ng boyfriend ko that time kasi sa Bicol ako nakatira tapos siya sa Manila. Nabuntis ako nung nagbakasyon ako sa Manila tapos sinabi ko sa kanya nung magkasama kami. Pareho kami in shock syempre same kami nagaaral pa and mas grabe burden sa kanya kasi mas complicated ung family nya so we decided na ipalaglag. I continued with my vices (smoking and drinking) for a month and then nung 2 months na ko buntis hndi ko alam kung heartbeat ba talaga yun or naimagine ko lang kasi naramdaman ko may pumipintig sa tyan ko. That was the time na nagdecide ako na ittuloy ko na. Each day that pass by you get to fall in love with the feeling na may buhay na nabubuo sayo. Sinabi ko na sa mother ko. Iyak siya ng iyak then nagalit. Pinahirapan nya ko nun tapos pinagstop magaral. We never had a good relationship since ang nagpalaki sakin talaga grandparents ko. Ni singko hndi rin ako humingi ng pera sa mother ko kasi puro sumbat. Bale pinagwork nya kong katulong sa bahay tapos sinasahuran nya ko or ipagkakasya ko ung 500 a week na pinapadala nung bf ko. Tapos sinabi ko na sa bf ko na gsto ko na ituloy pero siya ayaw nya. Hndi pa raw nya kaya. So ayun habang buntis ako nangbababae pa siya tapos sabi nya sakin na iiwan na nya ko and babalikan nalang nya kami ng baby pag okay na raw ung life nya. Na depress ako nun sobra. Araw araw umiiyak. I feel so helpless and worthless. Sabi ko sa kanya hanggang manganak lang ako tapos maghiwalay na kami kasi nakakahya naman sa parents ko na hndi ako pananagutan. Fast forward, nanganak na ko. Umuwi si BF for 5 days. Hndi pa alam ng family nya. Takas lang ung alis nya. Tapos ayun nung nakita nya ung baby namin tuwang tuwa siya pero kailangan pa rin nya umuwi sa kanila. Bumalik siya after 3 months tapos alam na ng family nya. Tinanggap na ng lahat of course baby yun and sobrang cute. After 2 years nakapagtapos na ko ng college, tapos si bf grumaduate na rin last year. Doctorate kasi kinukuha nya kaya natagalan sa college. Nagwwork na kaming dalawa and we can now buy our needs and wants. Nag sschool na rin ung daughter namin and we are now expecting our 2nd child, boy naman and we are happier than ever. We are also planning naman our wedding. You see, lahat ng pinagdadaanan natin ngayon is just a phase in our life. Mahirap man ung sitwasyon laging maggng maayos din basta magpakatatag and to remember to make better decisions next time. Be independent and responsible. Dadating din yung oras na massuportahan mo na ang sarili and ang baby mo.

Magbasa pa

1. Earn momey. Kahit teen kapa, please wag ka masyadong needy sa nakabuntis sayo. Wag ka mag habol ng sustento. As much as possible find ways na makaka earn ka kahit kunti para may matawag kang sariling pera. 2. Be responsible. Though may parents ka and may parents ang naka buntis sayo, you have to show them that you are being responsible sa anak mo. Mag ni-need ka talaga ng help but please wag mo i-asa lahat sa kanila. 3. Educate yourself. Instead na mag tik-tok, see to it maka pag gather ka ng maraming info how to BREASTFEED and how to take care sa babies. Breastfeeding kasi is one of the most neglected responsibility ng most young moms. Do your best mag breastfeed ka. 4. Be a mother, not a wife. Teen ka pa. Please do not think that you now have a husband and that you are wife. No. Teens pa kayo. For sure, that person na naka buntis will only be a problem in the future... kung good sya okay yun pero kung bad sya that's expected kasi unplanned ang pagbuntis mo. Never expect a young man to be mature for you just because you are pregnant. Think of this situation na mother ka lang, not a wife. 5. Make plans. I-plano mo na ang life mo after manganak. Wag mo i-base ang life with the person who got you pregnant. Plan your life alone. Kung supportive si guy, take it as a bonus nalang but dapat hindi sya ang basis. 6. Be firm.

Magbasa pa

Teenagemom din ako , Learn to ignore . Alam naman nating maraming say ang ibang tao regarding sa mga teenage moms . Hayaan mo sila magsalita ng magsalita wag mong didibdibin since makakasama lang sayu yan. Never think of abortion / giving up . That child is a blessing to you and your partner . Yes magigig mahirap since hindi pa fully develop ang body mo , dahil sa critics ng ibang tao , galit ng parents , etc. Pero it's all gonna be worth it. Imagine you were able to concieve when others are desperately crying to have a child . Kaya blessing yan and never a mistake no matter what other people say . Be ready ! It's gonna be soo hard physically, emotionally, mentally and financially. Kaya you have to train your mind to be ready to overcome every situations to come. You're never alone ! Turn to your parents for help, sila yung pinaka makakatulong sayu in your situation - yung partner mo din , Studies , ang daming ginigive up yung studies nila just because nabuntis sila , Don't ! Yes mahirap pero kaya mo yan . Need mong kayaning ituloy dahil mas lalo ka lng mahihirapan in the long run kapag inihinto mo yan . Kung di talaga kaya in the present . Then magpahinga ka muna a year or two . Para makapag pahinga and makapag ipon ka para ituloy . Mahirap yes but not impossible . Comtinue your studies

Magbasa pa
TapFluencer

Basta dapat alam ng parents mo, sila ang numero unong ng susupport dapat sayo.. my pamangkin akong nagbuntis at nanganak ng 15 palang, cs pa sya, pero kinaya nia, kahit nasa abroad ang mama nia, support talaga sya ng lola at asawa nia na ka edad din nia, Always pray ang lakasan ang loob, dont be shy to ask for help, since bata kapa naman para ma i guide ka nila.. God bless😊

Magbasa pa
TapFluencer

Malaki responsibilidad ng pagiging magulang so accept the changes and adjustments sa buhay mo. Also, kailangan mo ng right people to be with sa time na ito lalo na ang family mo. Praying na you will be guided sa mga decisions mo and magreach out ka if you need help.

VIP Member

Family planning. Ako kasi sunod sunod ang anak. Mapagod sobra kasi solong gawa ko lahat laging wala si hubby nagwo work wala din ako ibang kasama kundi mga anak ko lang. Basa ng basa ng mga parenting tips, tutorial, lahat ng pwede lalo pag aalaga ng baby.

If I were u magbabasa aq ng about parenting, how to take care of a baby, bsta all about baby.. pra pag nsndyan na si baby alm mna ggawin. Un ang ndi ko ksi ngawa b4 nun una din aq nagkababy and teenage mom din aq b4 kya prng lht xperimental nangyari...

Mg family planning.. tutal bata kpa nman.. pra maalagaan mo din mabuti at matutukan baby mo.. ok lang khit teenager or ngaaral kpa ng mbuntis.. ang importante tinanggap mo sya at mgung responsible mother ka.. tsaka pwede mo pa nman ituloy studies mo..

VIP Member

Huwag mo sundan agad in 1 or 2 yrs. Kung pwede antayin mo bago mg 5 yrs old si baby. Saka kung Pwede lang sa budget... Aral ulet kaHit yung 6 mos course lng na pwede makapag abroad

VIP Member

Be prepared financially and ask advice from health experts. You can learn a lot from reading and from the experiences of moms ur age. Have faith and enjoy motherhood.