Tips kapag may lagnat si baby dahil sa Bakuna
Isa na ata sa mga kinakatakutan ng mga kapwa ko mommies ang lagnatin si baby. Pero alam niyo ba na ang Immunization Fever o lagnat pagkatapos ng bakuna ay isa lamang sa normal na reaksyon na katawan ni baby. Pero hindi nangangahulugan na kapag hindi nilagnat si baby ay mas less effective ito. Though normal na lagnatin si baby after bakuna, nanaisin pa rin natin na maging comfortable sila. Ito ang ilan sa mga natutunan kong paraan para maging comfortable sila. 1. Imonitor from time to time ang temperature ni baby by using digital thermometer. Maaring magbigay ng paracetamol but make sure na sundin ang instruction ng pedia sa tamang pagpapainom. 2. Pasuotin ng preskong damit, siguraduhing komportable siya sa kanyang suot. 3. Make sure na hindi sila dehydrated. Since EBF kami ni Lo noong first 3 months niya. Unlilatch kami after vaccine. 4. Kung may pamamaga sa parteng tinurukan, pwedeng bigyan ng cold compress. 5. Last, Be there for them. Mahalaga na iparamdam natin sa kanila ang pagmamahal natin. Walang oras na hindi ko iniiwan ang anak ko lalo na kapag alam kong masama ang pakiramdam niya. Kayo mommies, may ibang tips din ba kayo? Share niyo naman. π #ProudtobeBakuNanay