Faint lines. Medyo mahaba po. π
Irregular po mens ko, 3 mos po ako na dedelay.. Last mens ko po june 17-21, expecting po ako ng mens this sept.. Nagpa checkup po ako sa ob nung aug 31, sabi ni dra, meron daw ako egg at ihabol daw namin ng asawa ko kung pwede ihabol..hehe so alams na. Hehe almost a month na din po ako nag te take ng folic acid at myra e. Inistop ko na po myra e just tonight kc natatakot po ako na baka hindi na sya pwede sa buntis if ever buntis po ako. A week ago, inassessed ko na sarili ko. madali na ako mapagod, naging sensitive na pang amoy, tender/sore breast, very emotional, as in iyak ako.. Even sa maliliit na bagay, tampo na. π slight cravings and nung morning parang ayaw ko ung amoy ng ginisang bawang at sibuyas..hehe Nagwawalis din po ako indoors and outdoors even after pt, nag ma mop, nagluluto, naglalaba parin.. First time mom po ako if ever. At natatakot po ako mag galaw galaw na kasi baka masama po. Di ko pa po fully tanggap na meron na po unless otherwise ma confirm ko po sa ob..as in di po ako mapakali ngaun ..hehe And as of now, hirap po lumabas gawa ng nag strict sila sa municipality namin because of positice cases ng covid.. Kaya di ko po magawang makapag pa checkup nasa ibang municipality po ung ob ko. Ano po kaya mga maipapayo nyo po sakin? Positive na po kaya itong pt results ko? Magkatabing pt dated 19 and 20.. Mag isang pt kaninang morning lang.. Thank you po..and Godbless po