Need some Advice!!

Im a wfh mom and wala kaming Yaya kaya lahat ng gawain sa bahay at pag aalaga sa mga bata sakin, from 10pm to 6am nag working then pagka out mag aasikaso sa mga bata sa pag pasok at gawaing bahay.. 4 hrs of sleep lang ok na ok na sakin, pero one time I ask my husband to give me some break or mag unwind lang kahit ilang oras lang. Pero ang laging sagot sakin ni mister e hndi na kami mga dalaga o binata para don. Pero kung sya ang magpapaalam na mag valleyball dapat payagan or else mag tatampo sya at kahit pagod na ko dapat ko syang samahan o suportahan sa pag lalaro nya. Anu po kaya ang dapat kong gawin? Madalas din hndi ko alam saan na pupunta ang isa nyang sahod since general practitioner sya at 2 hospital ang pinapasukan. Hindi ko din mahawakan ang cp nya. Need some advice po. Gulong Gulo na ko, drained na drained na at kung anu anu na ang naiisip ko. Mga anak ko nalang ang pinang hahawakan ko lalo na I have 10 months baby na bf pa sakin. Y

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi miiii .. Always prioritize your health kasi, how can you take good care of the kids & the house kung napapabayaan mo ang sarili mo. Sabihin na nating ndi mo pa ramdam o wala kang nararamdaman sa ngayon pano yung mga susunod na taon? buwan? weeks? at araw? pano natin makikitang lumaki at makapag asawa ang mga anak natin kung tayo mismo ndi natin iisipin ang sarili natin? Walang masama na isipin ang sarili paminsan minsan pero, ndi dapat pinababayaan lalo na ang health. Yung sa hubby mo nakaka Duda yung may pagtago ng phone. Plus, walang natitirang extra talk to him sa mga napapansin mo. Plus, yung ME TIME importante yan. Ipaintindi mo sakanya yan, sya nga nagagawa nyang makapag volley ball eh what more ikaw? na nag aasikaso at umiintindi ng lahat? Dapat meet halfway sa lahat ng bagay as much as possible ndi pwedeng puro kabig yung isa tas, tanggap lang ng tanggap. Hindi dahil nanghihingi ng oras para sa sarili means nagbubuhay dalaga / binata ka na, it's just for us to breathe sa usual routine na meron tayo. A time to relax, rest & chill. Hindi naman palagi once in a while lang when needed. Kung ganyan lang din naman ang siste mii at hindi papayag ang asawa mong magka me time ka mabuti pang kumuha kayo ng makakasama sa bahay para gumawa ng gawaing bahay at katuwangan kang mag alaga sa mga bata when you need to rest.

Magbasa pa
1y ago

Thank you mam, minsan kasi mahirap ipaintindi na uuwi sa away, which is ayaw kong nangyare dahil madadamay ang bata.

Dapat pgkasabi mo na you need a break at yun ang sagot niya dapat sinagot mo rin na eh siya nga nagbabasketball bakit ikaw di pwedi, binata or matanda need ng pahinga. Hindi lang siguro niya makita pag aalaga sa bata/sacrifices mo since wala nman siya sa bahay most of the time dahil nasa trabaho. Pag-usapan niyo po, sabihin mo saloobin mo pero in a calm way at explain mo maayos baka mamisunderstood ka pa. Mag-asawa nman kayo so dapat nagtutulongan kayo sa responsibilidad para hati kayo sa pagod. Yung sa sahod thingy, as long as he provides enough nagbibigay panggastos sa bahay at savings, for me ok lang yun di na ko mangingialam medyo nakakasakal din kasi yung pinapakialaman momsh ayaw ng mga lalaki yan mas lalo wag mo gagalawin yung cp mag-aaway kayo niyan. Ask and talk directly sa asawa mo.

Magbasa pa
1y ago

sis parang may tinatago asawa mo, oo need privacy,..pero kung walang something bakit niya itatago phone niya?may something tlga..baka may iba asawa mo siya sis, pero para sakin basta my ginagawa ang asawa na di maganda.nafefeel mo yan, malakas instinct natin sis ,sometimes napapaniginipan pa..di sa pinag ooverthink kita ha mi,.may baby kapa naman ,iwas muna sa stressed ..

I agree na you deserve what you tolerate. also, pwede mo ask husband mo if pwede ka magquit sa job mo at sya na ang magproprovide since hindi ka na nakakapagpahinga at wala rin sya planong bigyan ka ng break. kailangan healthy ka mamsh para maalagaan mo maayos mga anak mo. hindi pwede yung 4hrs of sleep ka lang. magdedeteriorate ang katawan mo, baka maiwan mo pa ng maaga mga anak mo. importante health mamsh para sa kids. lagi mo iisipin yan.

Magbasa pa
1y ago

Thank you mam,

i think po mas maganda magusap po kayo ng kalmado ang lahat... ipaliwanag mo po ng mas malinaw bakit kailangan mo din po ng "me" time. baka kasi hindi nya nakikita yung ginagawa mo, or cguro may pagka insensitive ang ibang lalaki sa mga ganung effort po. sana maging open minded lang lahat para walamg away. magkaunawaan lang ❤

Magbasa pa
1y ago

Thank you po mam,

Yep. Dapat give and take lang pagsabihan mo sya in a nice way tapos mag usap kayo dapat lagi may communication po para mas lalong mag build yung relation niyo at sabihin mo sakanya memsh na gusto mo lang mag unwind pampawala ng stress tapos lambingin mo sya wag papastress memsh 🥰

1y ago

Thank you mam, ☺️

let him know yung saloobin mo na kailangan mo rin ng time para sa sarili mo. kasi pag naubos ka na paano mo mapupunan sila? kailangan mo po ipaliwanag sa kanya yung ganun.

1y ago

Ginawa ko naman mam, pero ang reason nya ganun daw talaga since magulang na kami.. By the way thank you po

Red flag hiwalayan mo na yan bago ka maubos walang pag papahalaga sayo at di nakikita mga hirap mo sa buhay.

red flag. kung ramdam mo may iba mag investigate k

you deserve what you tolerate.

Ang selfish nman ng asawa mo.