I love you
I'm planning to say those words to my husband every day. These past few days have been a struggle for our relationship. Inaamin kong partly kasalanan ko din naman kasi naging selosa ko masyado. But let me explain my side of the story bakit ako nagselos. I caught him texting his ex gf na alam naman niyang pinagseselosan ko talaga ng matindi. Sa ngayon, kalmado na ko. Pero dahil sa pagseselos ko nalamatan ang pagsasama naming mag asawa. Sa tingin nyo po magiging effective kaya yung I love you every day ko? Hindi niya ko tinetext mag 1 month na kapag nasa opis siya. Kahit free ang messenger, wala din. Though magkasama kami sa gabi pag uwi niya at sa umaga bago siya pumasok sa opis, hinahanap hanap ko yung kahit nasa work siya consistent yung pagtatanong niya sakin kung kumain na ba ko? Kumusta kami ni baby? Pauwi na siya. Wag ako magpapagutom, magmerienda ako. Sa tagal ng bf-gf relationship namin hanggang maging mag asawa na kami, ngayon lang nangyari na natiis niya kong hindi itext. Pagdating sa bahay sobrang casual at civil lang namin na parang acquaintance lang ang peg.