Breastmilk VS Formula Milk

Im a mom of 2 and on my 4th pregnancy. My first baby didnt have the chance to take breastmilk. And sakitin siya kahit malaki na siya now. My 2nd naman bf until almost 6mos. Mas ok amg resistensya nya. Not sya direct latch since flat nips ako. Kaya I pump back then. Now im confident na mag direct latch sa 4th pregnancy ko. Habang lumalaki sila, di maiwasan magkasakit lalo na sa panahon ngayon pero nakita ko talaga difference ni bf baby kesa kay fm baby. Iba pag laking gatas ng ina. If given the chance, I would have breastfed my children at least upto 2years. Karamihan sa atin mga nanay, atat mag stop mag bf or madaling sumuko porket konti lang ang milk na lumalabas which is dumadami din naman if always ipump or latch kay baby and I was guilty din kung bakit ako nagstop ng maaga o kaya di ako nakapag bf sa panganay ko. Nung nagkasakit sila, di mawala ang pagsisi ko bakit di ko tinuloy ang pag bf ko sknila. Sana for the mommies out here na nag bibf, pls do continue. Wag maging atat istop ang gatas nyo. Sayang talaga. It is the best vitamins na mabibigay natin sa mga anak natin. At tayo lang ang pwedeng makabigay nyan. Wala ng iba. Kaya sya tinatawag na liquid gold. Si marian rivera nga sobrang busy pero nagagawa pa din mag bf sa anak. Tayo pa kaya? Pag mag work, mag pump. Mahirap pero ano ba naman ang di natin kakayanin para sa mga anak natin tama? This is just a friendly reminder. Mahirap magsisi sa huli. I am not againdt fm kasi fm kids mga anak ko pero if may bm naman, why not? Im excited to give birth na and give my next baby the best milk I can offer. Happy Holidays!

1 Replies

VIP Member

A agree po sobrang iba ng bm sa fm. Pamangkin ko same age lang ng baby ko almost 1kilo agwat ng timbang nila kasi fm yung isa bm naman ako. Tsaka bukod sa masustansya laking tipid pa. Tsaga lang po talaga para kay baby. Kahit minsa di na halos makakilos sa bahay kasi panay dede si baby. Pero okay lang basta para sa anak.

Trending na Tanong