11 Replies

ganyan po talaga sa simula minsan nga gusto nila yung naka siksik sila kasi feel nila nasa tummy pa sila ng mom nila. and pag iyak ng iyak hanapan mo lang sya ng comfortable place nya habang karga mo tas kantahan nyo din. yung sa pag dede baka po kasi di komportable yung pwesto nya or baka malakas yung milk supply mo di nya kaya normal naman po yon basta bantay bantay and mahabang mahaba na pasensya kasi mas okay makarinig ng iyak ni baby kesa sa di umiiyak mas nakakakaba po yon

VIP Member

My baby was also like that when he was younger. I took it as a compliment na ako lang ako gusto nyang may hawak sa kanya. 🙂 I know it can get frustrating minsan lalo pag wala ka ibang magawa but kargahin lang siya. Pero inisiip ko nalang minsan lang sila baby. They grow up so fast. So cherish the moment and habaan ang pasensya. Pag hindi na yan ganyan sayo hahanap-hanapin mo yan. Hope you'll feel better. ❤

19 days palang si baby, di pa siya nakakamove on sa paglabas niya sa mundo.. ganyan po talaga.. swaddle mo lang.. lilipas din yan.. by 2 to 3 months, okay na siya. wag ka maniwala na pag lagi karga masasanay.. just attend to your baby's demand. mabilis lang lumaki ang baby momsh 😁

Your child is just 19 days old, madami pa po sacrifices and challenges na nag iintay, ganan po talaga sa umpisa, nag aadjust ang bata, need mag tyaga. If iisipin mo agad yung pagbalik mo sa work, mas hindi ka makaka focus sa baby. Just saying

try niyo po e swaddle baby mo momsh kasi LO ko 1mo and 25days palang siya sa gabie tulog kami gising lang sandali para dumedede. gusto kasi nila mainit sa katawan kaya palagi gusto karga.

newborn pa si baby lalaki din po sya at di na masyadong magiging iyakin. tyaga lang po ngayon mumsh. gusto nya ng may init ng katawan ng mommy since naninibago po sya sa labas ng tyan nyo

Ganyan din baby ko halos 3 months kami walang tulog idlip lang ginagawa kahit sa tingin ko sinubukan at ginawa ko na lahat. Pasensya at tyaga lang talaga. Magbabago naman sya momsh

Madaming dahilan po ang pag iyak. Baka po nilalamig or di kmportable sa higaan. Try nyo din po mag iwan ng damit nyo sa tabi nya para feeling nya ay katabi ka pa din nya

19 days palang po baby nyo, normal lang po yan. Naninibago pa yan sa sorroundings nya kaya need nya maramdaman yung warm ng katawan mo.

newborn p lng po si baby kaya di pa nka ka pag adjust .. haabaan niyo po pasensya niyo sis .. soon masasanay dn si baby

Trending na Tanong

Related Articles