BAWAL DAW MATULOG SA HAPON

I'm currently 5 months pregnant and naka WFH ako. Meron akong break na 3 hrs, from 3pm to 6pm. So ang ginagawa ko, tinutulog ko yung oras na yon. Kaso ang problema, lagi ako sinasabihan ng mga kamag anak na wag daw ako magtutulog sa hapon kesyo, mamanasin, lalaki ng husto ang bata, tataas high blood pressure ko. Wala naman sinasabi yung OB ko about sa pagtulog ng hapon, ang sabi pa nga niya kung may oras akong magpahinga, samantalahin ko. Haaay. Share ko lang mga mamsh. Kayo rin ba binabawalan matulog sa hapon?#firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls #theasianparentph

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

aq po cmula 1st trimester hanggang ngaun po kabuwanan qna natutulog padn aq sa hapon kpag pinatulog q panganay q pati aq tulog 2hours na tulog pg gcng q kkain aq ng kaning lamig . sbi nila nakka laki Ng bata pero sa case q maliit dw ung baby q kya sa lying in Pina ultrasound aq ulit imbes n 37weeks nq sa 1st ultrasound q hanggang png 3rd ultrasound q nag bago Yung huling ultrasound q nung December 3 34weeks and 5days plang dw aq kc un dw ung Sukat n baby png 34weeks. due date q December 28 kso nag bgo naging January 9 na due date q.

Magbasa pa

Lagi ako nakahiga, natutulog din ako sa hapon pag feel ko mag-nap, Lakad ko papuntang CR at kuha pagkaen pero wala naman ako manas mag 9mos na rin ako pero last BPS ko nung 35wks 2.4kg lang si baby 🤗 Tataas BP mo kung improper diet ka at kulang sa tulog, importante ang rest sa mga buntis.

same cases po tayo sabi nila mahihirapan daw po ako manganak pag tulog daw po ako ng tulog hehehe pero sabi naman ng iba matulog lang daw ako ng matulog kase daw paglabas ng baby dun daw ako hindi makakatulog ng maayos

ako nga mag hapong tulog. umaga, tanghali, hapon, gabi and safe and healthy ang baby ko - normal delivery. Rest as much as possible for your safety and ng baby mo. drink lots of water and eat healthy foods.

Matulog po tau hanggat possible dahil paglabas ni baby yan ang unang mababawas satin 😂 saka pag malapit na due me times na hirap na rin matulog hehee need natin mgrest kaya go lang mumshie

Super Mum

Hindi po totoo. According kay OB ko you can sleep anytime basta make sure lang na you have time to excercise kasi pangit din daw yung tulog ng tulog pero walang excercise ang katawan.

VIP Member

hindi po totoo yun , ako 1st trimester hanggang ngayong kabuwanan ko na natutulog ako sa hapon sakto lang naman laki ni baby ko saka minamanas lang ako kapag matagal akong nakaupo

Ako po nung buntis tulog po ako ng tulog. Iwas sa pagka matakaw sa mga hindi dapat kainin 😂 normal delivery 33 mins sa DR 3.2kgs si baby healthy ❤️

mahilig din ako matulog sa hapon nung buntis ako . khit pinagbabawalan 😅 pero hindi nman ako minamanas . hindi din mlki ang baby ko 2kg nga lang sya e

wala namang ganun momshie. Ako nong buntis ako pag tapos work ko ng 5pm tulog ako hanggang gabi tapos nagigising ako madaling araw hindi ako makatulog.