βœ•

22 Replies

Kung ako sayo mamsh, dedmahin mo sila. Hanggat hindi sila ang gumagastos sayo at nagpapalamon, dedma lang. Di mo naman sila pinerwisyo. May mga ganyang tao o kamag anak talaga at di mawawala yung sobrang judgemental nila sa isang tao. Ramdam kita mamsh. Kaya much better na, kahit anong marinig mo sa knla hanggat di sila ang sumusuporta sayo balewalain mo. Isipin mo na lang si baby, mas importante yun kaysa sa kanila. Kung kinakailangan na icut off mo sila sa buhay mo dahil di maganda pakikisama at mga pinagssbe nila sayo mas ok yun, magkakaroon ka ng peace of mind. Ang kakaisip nag cacause din ng stress yan kay baby. Kaya wag mo sila isipin para sa baby mo mamsh. Mas mahalaga kayo ni baby kaysa sa knla. Need mong pakatatag kahit ano man ibato nila sayo. Oo andun na sa point na madame ka nadisappoint kasi nabuntis ka kaagad habang nag aaral, di na nila mababago yan. Andyan na yan, atleast ikaw hinarap mo, pinanagutan mo yung responsibility mo sa baby mo, at hindi ka nag isip ng masama na gagawin sa baby mo. Be proud mom, kahit nagkamali ka. Ingatan mo yan mamsh. Kaya mo yan. God bless.

dapat po matutuhan niyong tanggapin na u can't control what other people think kahit mga kamag anak mo pa sila.. if i were in your place, hahayaan ko lang sila, hindi ko isasacrifice ang peace of mind and my baby's safety ng dahil sa mga opinion nila.. you have your family naman pala na supportive sayo, thats more than enough.. u dont need your unsupportive relatives.. cguro magsosorry na lang ako sa parents ko that they have to go through hearing what your relatives are saying.. and of course the best revenge is being your best self.. pakita niyo na hindi lang kayo hanggang pagkakadapa.. bumangon, magsikap at magtagumpay, pasasaan ba at kakainin ng mga kamag anak mo ang sinasabi nila ngayon pag naging successful ka despite having a baby at an early age

1. IGNORE mo lang mo sila. sino ba sila? pamilya mo nga supportive sayo.. sakanila ka lang tumingin at makinig. hindi naman sila importante sa buhay mo. kaya wag ka makikinig sa ibang tao kung may nasasabi sila sayo. wala silang bilang sa buhay mo negative pa ang dating sayo walang naitutulong para sa sarili mo kaya learn to ignore them po. 2. ACCEPTANCE. tanggapin mo po na sa buhay natin meron mga taong may masasabi na masama saiyo o manghuhusga. dahil may sarili silang mata at utak, pero hindi mo dapat yun pagtuunan ng pansin dahil sila yun. (sino ba sila?) ang mahalaga ang sarili mo. ikaw bumubuo ng buhay mo. wag mo intindihin yung ibang tao na toxic lang ang dating sayo. be strong ☺️

Hello po! Same tayo college nagkababy. I was an intern din po sa isang medical school and I just graduated last month and manganganak na ako this coming January. 2023. Huwag mo nalang silang intindihin mi. Importante sinusuportahan ka ng family mo. Tandaan na bawal ka mastress. Would their opinions matter sa mga darating na panahon? Huwag kang magpadala sa mga sinasabi nila kasi first and foremost, wala silang ambag. Charot. Keep safe po mommy, para na rin kay baby.

sabihin mo panget sila. char. lahat tayo may kapintasan. ano, wala silang kapintasan sa katawan? kaloka talaga yang mga kamag anak na inggitera. wag mo pansinin sis. basta support sayo parents mo mas mahalaga yon. tsaka wala naman silang ambag sayo kaya dedma. baka maging kamuka pa yan ni baby mo sige ka. ako pinaglihi ako nanay ko sa hipag nya kaya flat nose ko. buti na lang habang lumalaki ako nagbabago itsura ko kaya matangos na ilong ko πŸ˜‚

wag mo nalang sila pansinin kasi kamag anak lang naman sila ng parents mo. wala naman sila matutulong sa inyo. ganun talaga kamag anak madalas sila pa ang mag papadown sayo. ako nga mga kamag anak ng mga parents ko galit sakin ni wala naman ako ginagawa sa kanila ni diko nga sila nakikita dami nilang nasasabi sakin na below the belt naπŸ€£πŸ˜… dedma lang ako manigas sila sa bwisit HAHAHAH wala naman sila ambag 🀣 inggit lang sila 🀣

kahit anong stage sa buhay may mga tao talaga na opinionated, idealistic and merong din iba na emphatic. kaya wala tayong control sa behavior nila. inhale exhale po then pray for peace of mind. The more mo po kasi binibigyan ng oras sa isipan mo the more it will pull you down. kahit po after manganak kayo meron parin sila sasabihin kaya you do you and filter mo lang yung advise na makakatulog sa inyo. God Bless

haaaay naku, ganyan na mga tao ngayon. saklap pa, kamag anak mo pa.. alam mo mi, balewalain mo nlng yan sila. ang isipin mo, mahal ka ng pamilya mo, at isipin mo lalo ang baby mo.. yaan mo, pag naging successful ka at malaki na anak mo, dami dami ng sasabihin sayo yan. baka uutangan ka pa ng mga yan.. alam na alam na natin mga moves mga ganyang klaseng tao..

VIP Member

wag mo na silang pansinin mii.. isipin mo nalang lahat naman nagkakamali, AT hindi k magiging masaya kung laging iisipin mo ang sinasabi ng iba. Ibang kamag anak talaga masakit magsalita. pagbubuntis mo pagtuunan mo pansin. bawal ma stress mii, tignan mo nlng kung gaano k kalove ng pamilya mo. πŸ₯°

hayaan niyo po sila Kasi habang binababa ka nila ngaun darating ang araw itataas ka ni Lord. They can't overrule God. He knew this day would come. Their mouths are just a flapping with all kinds of lies. We shall see who gets blessed and who remains a mess πŸ€·β€β™€οΈ narcs don't ever learn.

Trending na Tanong

Related Articles