Kahit chubby or mataba ba may chance pa din manganak via Normal delivery?

I’m 5 months by next wk and pede na daw makita gender ng baby.. yey! But may worry ang ob ko since every check up daw nag ge-gain ako ng 2-3kilos 😅 di naman ako masyadong kumakain kahit sa madaling araw na sabi ng mga friends ko na buntis din magugutom daw sa madaling araw talaga but ako di naman umiinom lang akong water solve na. Kaya nagtataka din ako.. lately parang gusto ko din ng matamis pero once a wk lang ako mag crave, I don’t know pero I’m a bit worried na din. My OB requested for another lab test for my sugar 🥺 nakakaworry masyado. Tapos yung mga tao pa dito sa bahay parang nakaka discourage ang laki nq daw ng tiyan ko para sa 5 months. Yung nanay ko pa mismo nagsabi, siya daw eh ganto na yung tiyan nung manganganak siya. Idk pero napaka emosyonal talaga ng buntis I even cried dahil sa sinabi nyang yun. #advicepls #pregnancy #motivationplease

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako chubby ako. Namayat ako nung nag buntis kasi un ung paglilihi ko-- walang ganang kumain. But still, chubby pa rin. Hindi nga lang malaki tyan ko pero nainormal ko baby ko. Minsan sa panahon ngayon nkakabwisit yung mga nagbibigay ng opinyon porke nagdaan na sila sa ganyang stage. Kala mo propesyonal na sila sa ganyang bagay. Iba iba kamo ang pagbubuntis. Iba iba pagdating sa paglilihi at laki ng tyan. Ako di gaano lumaki tyan ko nun kaya wala akong stretch marks pero okay naman yung baby ko.

Magbasa pa
4y ago

Thanks sis, true nakaka down nga eh pero pinipilit kong wag maapektuhan sabi nalang ng asawa ko hinga ng malalim nalang mag relax.. feeling ko din sis maliit naman tiyan ko ung weight talaga ang nataas.. kaya pangalawang test ko na sugar to, ung una naman normal eh.. nagworry lang yata ob ko sa weight gain. Hay thank you sis. Kagigil kasi mga unsolicited opinions.. 😭