Hi mommies!
I'm 4mos pregnant. Naniniwala po ba kayo sa aswang or tiktik? Ito pinaglagay na po ako ng bawang sa bulsa then lahat ng bintana eh may bawang na din. Walang tigil kasi sa pagtahol yung aso kahit wala naman tao. Una ako lang nakakapansin mga one month ago pa kaya hirap din ako magsleep dahil lagi ko pinapakiramdaman at nagtataka ako eh walang tigil mga aso minsan umaalulong pa. Sabi ni hubby eh pusa lang yun kahit narinig ko sa bubong eh iba malaki, mabigat. Nasa bulacan kami now due to ECQ. Pinagbabawalan na din nila ko magisa kaya nandito kami sama sama sa isang room ng family. Mas okay na po nagiingat no? Di naman po ko ganun natatakot na kasi lagi ako nagppray at ginigising ko talaga si hubby pag may naririnig na ko o ano. Nakakatulog lang ulit ako dahil niyayakap na niya ko. Sabi nila meron daw talaga dito. Habang tinatype ko po ito ayun may aso na naman tumatahol haha watch na lang muna ko ng Hi, Bye Mama! ?