Overdue?

Im 41 weeks pregnant. Lampas na due date ko ng 1week. Jan. 13 dapat manganganak na ko, pero wala parin. Puro yellow vaginal discharge nalabas sakin. Tapos mataas pa daw ang tyan ko. Tapos sabi rin sakin ng mga kapitbshay ko baka daw Feb pa. Ang alam ko pag nasobrahan na sa buwan ang anak ko masama na e. Pano to guys? Ano banggagagawin ko? Inip narin ako.

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you mommy ..Ako po 41weeks din sobrang kabado nako nung mga time na yun kaya nagdecide na kami magpa induce sa hospital..

5y ago

Ako nga po as in no pain no discharge 1cm palang ako nung araw na pumunta kami ER , pero dahil nga over due na ako , nagdecide yung doctor na paanakin na ako ..kaya binigyan ako pampahilab at pampabuka ng cervix .. ayun sa awa ni Lord na inormal ko si baby.. kso lang mas masakit ang induce mommy ..

VIP Member

Ako po due ko tlga February pro na sked ako ng January 25 ng ob ko kc konti n lng daw fluid ko at matured na placenta ko

5y ago

Ah ano pong ibig nyong sabhin?

Punta ka na hospital ako kasi nilagyan nako pampahilab kasi maoover due nako nun. Kasi Nakita nila result ng ultrasound ko.

ako din po, 40 weeks na kinakabahan na nga ko eh...open cervix naman na ko kaso makapal pa daw...3x na inom kong primrose

5y ago

Malapit na yan sis . Squat squat . Pero ako nung napagod na ko kakalakad and squat nung nag pahinga ako saka tumaas cm ko and lumambot na si cervix . i dont know sa iba ha? To my 3 kiddos ganun hnd effective yung lakad lakad .

VIP Member

Sabi po ng OB ko, minsan daw 2 weeks after or 2 weeks before daw po pag hindi ka nanganak sa mismong due date.

Same po. 14 din due ko but til now wala pa kong nafifeel na kahit anong sakit. Nakaka worry, nakaka paranoid.

Yong sa akin 40 weeks na, pero advice na ang doc ng induce. Matigas yong cervix ko. Ani sabi ng ob mo sis?

VIP Member

yung tita ko yung 3 niyang anak lahat 10 months niya nilabas. okay naman at healthy lahat ng anak niya.

Up to 42 weeks nman po. Pero much better ask your OB about it. May option ka nman magpa induced labor na.

5y ago

Yung sakin pina NST ako twice every 3 days to check kung may contractions na then ultrasound. Then pwede nako iinduced labor if talagang walang progress. Good thing mismong due ko nag 1cm ako tas ff day nag 5cm agad. Talk to your OB anong options mo para malinawan ka. Ako kasi lhat tnatanong ko sa OB ko

Lakad lakad po mami.. at dsal nadin. advse ni doc 1-2 hrs dw po maglakad lakad.. kkapagod po pero kelngan..

5y ago

Hala 1-2hrs pala?? 😅😅 Parang 30mins lang ako sa umaga at hapon hehehe