I'm Sad. Please talk to me.

I'm 22 yrs old. May 3 months old na anak sa first boyfriend ko na 31 yrs old. Mag 2 yrs pa lang kami. Alam kong ang tanga ko para magpakuha agad. Knowing na first bf ko siya tas naanakan agad ako. I'm sad kasi mga 2 months pa lang kami noon, sinumbong siya ng kaworkmate namin na dinedeny daw ako nung nagkainuman sila and may nilalandi daw na iba na kasama namin sa company. Since wala naman akong nakikita at nababasa sa account niya dati (may access pa ko nito) iniyakan ko syempre pero di ko na pinaniwalaan yung mga kaworkmate ko. Around 6 months, natuto ako mangialam ng phone niya and kung ano anong kalandian sa ibang girls nababasa ko. Kesyo classmate ng hs, kababata, ate atehan daw niya kaya ganun sila mag usap. Hanggang sa di ko na kinaya at madalas ko na siya iyakan sa mga nababasa ko sa chats niya sa kanila. Ang ginawa niya, tinanggal niya access ko imbis na tinigilan niya. Kesyo daw ipagkakalat sa mga kakilala niya na snobber siya ganun. Nakakatawa lang kasi akong si tanga, tinanggap yun. Buntis na nga pala ko nung tinanggal niya access ko. Moving forward, girl ang baby namin. Kada sinasabihan ko siyang wag magloloko ang sagot niya mahal na mahal niya kami at takot siya sa karma since babae ang anak namin. Pero neto lang, nasilip ko account niya kasi naiwan niyang bukas sa game yung phone niya and di pa din niya tinitigilan kakaharot niya. Tinanong ko na kung hindi ba ko sapat pero ang sagot lang lagi daw niya sinasabing mahal na mahal ako at kung ayaw niya sakin, matagal na siya umalis dito samin. What makes me paranoid is the fact na till now, hindi pa niya kami napapakilala sa side niya (friends and family kahit sa socmed wala) na para bang kaya di niya ginagawa yun ay dahil gusto niya maging malaya pa. Nakakasad lang and ang sakit sakit for me. Pero kasalanan ko naman kasi pinili ko to. Gusto ko lang ishare yung sakit na nararamdaman ko kasi nakakapagod ng umiyak. Wala din ako makausap kasi malayo sakin mga kaibigan ko and busy din sila. Please don't judge me and don't suggest na hiwalayan mo na or say na buti pa partner niyo kasi mas lalo akong masasad. I just want someone na will understand me or share some of their same stories like mine. Thank you so much mga mommies.

2 Replies

Aww. Parang Katulad tayo hndi padn ako kilala sa Side nya aanak nlang ako sa Feb. Dati lage ko yun sinasabe sa knya pero nagsawa nako Hinayaan ko nlang kung gusto nya kme itgo habang buhay bhla sya. Ayoko na kse mastress habang buntis ako kaya Sabe ko sa sarili ko magiging mabuti ako sa knya hanggat may kelangan ako. 😆😂

May issue din ba siya sa family niya? Sakin kasi oo, 3 families meron nanay niya. 7 sila magkakapatid iba iba father. Tsaka toxic daw kaya ayaw pa niya ko ipakilala.

VIP Member

Sa tingin ko po may mali tlga sa ginagawa nia e, bakit nman hindi kpa kilala ng family nia e may baby na kayo

Toxic daw family niya eh. Haaays

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles